Connect with us

Entertainment

Cute Na Larawan Noon Nina Vico Sotto at Janine Gutierrez Na Ibinahagi ni Lotlot De Leon na Social Media, Kinagiliwan ng Netizens

Lumipas man ang panahon, ay hindi naman mawawala ang alaala ng nakalipas sa mga lumang litrato. Kaya naman, hangga’t may pagkakataon ay tinitiyak natin na makuhaan ng litrato ang mga masasayang kaganapan sa ating buhay. At dito nga ay napakasarap balikan ang mga masasayang alaala ng kahapon.

Credits: Lotlot de Leon | IG

Katulad na lamang nga ng aktres na si Lotlot de Leon na nagbalik tanaw sa nakalipas na panahon matapos ibahagi sa kanyang Instagram ang litrato ng kanyang panganay na anak na si Janine Gutierrez kasama ang Mayor ng Pasig na si Vico Sotto.

Masisilayan sa larawan na cute na cute ang batang si Janine kung saan nga ay nasa isang school play. Ayon naman kay Lotlot bata pa lamang umano si Janine ay talagang mahilig na ito sa pag-arte. At ang husay at talento nga nito sa pag-arte ay madalas ipamalas sa school play. Kaya naman, proud na proud na ibinahagi ni Lotlot sa kanyang Instagram ang litrato ni Janine noong bata pa ito.

Credits: Lotlot de Leon | IG

“Kay bilis ng panahon..ang aking panganay na lageng kasama sa school play,”caption ni Lotlot sa kanyang post.

Bata pa lang ay mahilig na sa pag-arte si Janine kaya naman hindi na nakapagtataka kung taglay niya hanggang sa kasalukuyan ang kanyang natatanging talento sa pag-arte. Hindi nga binibigo ni Janine ang kanyang mga fans kung saan ay patuloy na pinapahanga sa kanyang husay sa bawat karakter na kanyang ginagampanan.

Credits: Janine de Leon | IG

Samantala, ang aktres na si Janine na nagmula sa kilalang pamilya ng mga artista, ay nakasama sa litrato ang gwapong Mayor ngayon ng Pasig na si Vico Sotto.

At bago nga sila naging matagumpay sa kanilang tinatahak na landas ngayon, ay naging leading man ni Janine si Vico sa isang school play noong bata pa sila. Hindi lamang nga sila magkaibigan, kundi schoolmates rin noong sila’y mga bata pa.

“At ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na mayor ngayon ng Pasig. Janine and Mayor Vico,”pagmamalaki pa ni Lotlot.

Hindi naman nakaligtas sa mata ng netizens ang napakacute na larawan nina Janine at Mayor Vico noong bata pa sila. Ito nga ay kinagiliwan ng netizens at dinagsa ng komento na puno ng paghanga.

“Ahahaha nakakatuwa naman po, may ganitong kaganapan pala noong mga bata pa sila.”

“Oh how cute, bagay

Credits: Vico Sotto| IG

Ayon naman kay Lotlot, bagama’t magkaiba ang landas na tinahak nina Janine at Vico sa kanilang paglaki, ay itinakda naman na ng tadhana na sila’y maging matagumpay sa kani-kanilang karera.

“Both meant to be great in their choosen careers,”aniya.

error: Content is protected !!