Connect with us

Entertainment

Cute na Cute na Twinning Photos ng Aktres na si Regine Angeles Kasama ang Kanyang mga Anak, Kinagiliwan ng mga Netizens

Kinagigiliwan ngayon ng mga netizens sa social media ang cute na cute na larawan ng aktres na si Regine Angeles kasama ang kanyang mga anak.

Credits: Regine Angeles | Instagram

Nito lamang Linggo ika-30 ng Mayo, nang ibahagi ng aktres na si Regine ang larawan nilang mag-iina sa Instagram na agad na pumukaw sa atensyon ng mga netizens.

Makikita sa larawan na nakasuot ng matching outfits ang mag-iina na talaga namang napakacute tingnan at bagay na bagay sa kanila ang suot na kulay pink na damit. Binanggit naman ni Regine sa kanyang post ang pasasalamat niya sa @twiloph, na siyang dahilan ng kanilang magandang outfit.

“Sunday’s best! Thank you @twiloph for our matching clothes”

Credits: Regine Angeles | Instagram

Maraming netizens ang natuwa at giliw na giliw sa kanilang larawan kung saan ay nag-iwan pa ng komento sa naturang post ni Regine. Maging ang kaibigang aktres ni Regine na si Charee Pineda ay hindi nakapagpigil na magkomento matapos makita ang nag-uumapaw sa kacutan ng mag-iina at sinabi:

“Cute nyo”

Nagbigay rin ng komento ang kompanya ng twiloph, kung saan ang nagpasalamat sa matapos ibahagi ni Regine sa publiko ang kanilang larawan habang suot ang kanilang magagandang damit mula sa kompanya.

“happy Sunday @regineangeles and kiddos!! Thanks for sharing.”

Credits: Regine Angeles | Instagram

May ilang netizens namang nakapansin na hindi kasama ng mag-iina ang kanilang ama ng tahanan na si Van Leano. Kaya naman, isang netizen ang nagbiro matapos makita ang kanilang larawan at sinabi:

  1. “Such a beautiful family talaga! Di ba nakimatchy matchy si @vanleano?”

Agad namang sinagot ni Regine ang komento ng nasabing netizen, at sinabi na ayaw raw ni Van ang sumama sa kanilang matching outfit dahil KJ ito.

Samantala, makikita naman talaga na sadyang napakacute ng mag-iina sa larawan. Bagama’t, hindi naman nakasama si Van sa larawan, ay hindi naman ito hadlang para hangaan ng publiko ang kanilang cute and adorable photos.

Credits: Regine Angeles | Instagram

Matatandaan naman na noong buwan ng Oktubre noong nakaraang taon, nang isilang ni Regine ang kanilang pangalawang anak ni Van. Sa pangalawang pagkakataon ng pagsilang ni Regine ay pinagkalooban silang mag-asawa ng isang malusog na baby na kanyang ligtas na naisilang sa pamamagitan ng normal delivery. Ang napakacute nilang baby girl ay pinangalanang Kaia Rosalie.

Noong taong 2017 naman nang ianunsiyo ng mag-asawang Regine at Van ang pagdating ng kanilang panganay na anak sa kanilang buhay. Isang malusog na baby boy, na pinangalanan nilang Viktor Alesso ang kanilang panganay na anak.

error: Content is protected !!