Connect with us

Entertainment

Cute na Cute na Anak Nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari, Masayang Nagdiwang ng Kanyang Ika-11 Months Birthday

Ang cute na cute na anak ng mag-asawang Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari ay isa sa kinagigiliwan at pinanggigigilang celebrity baby sa industriya ng showbiz. Sa kanyang napakaamong mukha at matambok na pisngi, ay talaga namang lahat ay nanggigigil.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

Dahil nga sa taglay na kacutan ni Baby Amari, ay hindi na nakapagtataka na marami na ang nakasubaybay sa kanya. Kaya naman, sa tuwing ibahagi ng kanyang mga magulang sa social media ang kanyang mga cute and adorable photos ay inuulan ito ng likes at komentong puno ng papuri.

Tila naman hindi na mapigilan ang matulin na paglipas na panahon, dahil ang munting anghel na isinilang ni Coleen noong ika-10 ng Setyembre 2020, ngayon nga ay mabilis ang pagpalaki. Ang mag-asawang Billy at Coleen ay hindi naman pinapalampas ang bawat sandali at talagang nakasubaybay sa milestone ng kanilang panganay na anak. At sa bawat milestone ni Baby Amari ay kasama rin niya ang mga netizens.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

Nito lamang ika-10 ng Agosto 2021 ay ibinahagi ng celebrity mom na si Coleen ang masayang selebrasyon ng ika-11 months old ni Baby Amari. At para nga sa pagdiriwang ng ika-11 buwang kaarawan ni Baby Amari ay nagpasya ang mag-asawang Billy at Coleen na magkaroon ng bakasyon sa kilalang resort ng mga sikat ng artista. Ito nga ay sa The Farm sa San Benito na matatagpuan sa Lipa, Batangas.

Ang nasabing wellness resort na ito, ay talaga namang binabalik-balikan ng mga sikat na artista dahil sadyang nakakarelaks at taglay rin nito ang napakagandang tanawin, na hanap ng mga taong nais magpahinga.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

Kaya naman, hindi maikakaila sa mga litratong ibinahagi ni Coleen sa Instagram na enjoy na enjoy sila ni Billy sa kanilang bakasyon sa The Farm. Maging ang kasama nilang napakacute na si Baby Amari ay kitang-kita rin ang kasiyahan sa mukha sa kanilang bakasyon. Makikita naman na talagang sinulit ng kanilang pamilya ang kanilang pananatili sa The Farm kung saan nga bawat sulok ng resort ay kanilang pinuntahan.

Ayon kay Coleen ay nag-enjoy raw si Baby Amari sa paliligo sa swimming pool at sa paglilibot sa golf carts. Kwento pa ni Coleen sa kanyang post, ay nag-enjoy rin si Baby Amari na makita ang iba’t ibang klase ng animals at mga halaman na kanilang nasilayan sa napakagandang lugar. At ayon pa nga kay Coleen, ay “future plantito” si Baby Amari dahil tila napaglihi niya ito sa mga halaman, sa sobrang pagkahilig niya sa halaman noon.

Credits: Coleen Garcia | Instagram

“Amari appreciates this place more and more during every visit, so it’s always exciting for us. He was so happy swimming, and going around in their golf carts. He also enjoyed the animals and plants! Yup, for a baby, he actually really loves plants. 🤣 I think it’s cause pinaglihi ko siya sa plants during my nesting phase. Future plantito! 💚”

Umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang nag-uumapaw na kacutan ni Baby Amari sa mga larawan.

“So cute!! Such a happy boy with nature.”

“Whhhyyyy he is sooooo cutteeeeee”

error: Content is protected !!