Connect with us

Entertainment

Cute at Super Adorable na si Baby River ni JC Santos Bininyagan na, Ipinasilip ang Masayang Baptismal 

Si JC Santos ay isang mahusay na aktor sa industriya ng showbiz kung saan ay nakilala sa kanyang mga kahanga-hangang pagganap sa mga pelikula. Isa na nga rito ang “100 Tula para kay Stella” kung saan nakasama niya ang aktres na si Bella Padilla na talaga namang sinubaybayan ng kanilang mga tagahanga.




Ngunit, maliban naman sa pagiging isang mahusay na aktor, ay isa ring mapagmahal na asawa at ama si JC. Matatandaan na noong Setyembre 2019, ay ikinasal ang aktor sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Shyleena Herrera. At noong nakaraang buwan ng Pebrero taong kasalukuyan, ay masaya nilang sinalubong ang pagdating ng kanilang panganay na anak na si Baby River Aletheia, isang napakacute na baby girl.

Photo credits: JC Santos | Instagram 

Hindi naman maikakaila na sa pagdating ni Baby River sa buhay nilang mag-asawa ay iba ang hatid na saya at kaligayahan sa kanila. Malaki rin ang nabago sa buhay ng aktor, kung dati nga ay tutok siya sa trabaho, ngayon nga ay naglalaan siya ng oras sa kanyang anak na si Baby River. Makikita nga na napakahands on ni JC sa kanyang napakacute na anak.

Photo credits: JC Santos | Instagram 

Nang una namang masilayan ni JC ang kanyang anak, ay ganun na lamang nga ang kanyang pagkamangha, at ang tanging nasambit niya ay:

“She reminds me of myself—I always 100 percent smile. It’s also one of my favorite qualities about my wife.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

Samantala, naibahagi naman ng aktor sa Instagram, ang simple at masayang baptism ni Baby River na nilakipan niya ng caption na “River’s Baptism”. Dito nga, makikita ang larawan ng kanilang masayang pamilya habang nakasuot ng mga puting damit. Makikita naman na talagang napakacute ni Baby River sa suot nitong baby dress.

Photo credits: JC Santos | Instagram 

Tila nga isang perpektong pamilya ang nasumpungan ni Baby River na hatid ng kanyang mga magulang. Napakagandang pagmasdan ng kanilang pamilya habang makikita ang ngiti sa mga labi ng bawat isa.




Photo credits: JC Santos | Instagram 

Matatandaan na noong nalaman ni JC na malapit na siyang maging isang ganap na ama, ay marami ang sumagi sa kanyang isipan. Isa na nga rito ang katanungan kung handa na ba siya sa responsibilidad ng isang ama. Ngunit, buo na nga ang loob ni JC na harapin ang panibagong yugto ng kanyang buhay.

Photo credits: JC Santos | Instagram 

“All good! Game! Dream come true! I am now ready to be a father! Thank You, God! Celebration”

error: Content is protected !!