Connect with us

Entertainment

Cristine Reyes, Ipinasilip Ang Masayang Bakasyon sa Boracay Kasama Ang Kanyang Anak Na Si Amarah

Hindi man nga tuluyang nakamit ng aktres na si Cristine Reyes ang tunay na kaligayahan ng kanyang puso sa piling ng kanyang dating asawa na si Ali Khatibi, isang mixed martial artist matapos mauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama, ay binigyang kulay naman ang kanyang buhay ng kanyang anak na si Amarah, na bunga ng pagmamahalan nilang mag-asawa.

Credits: Cristine Reyes | IG 

Bagama’t, isang single mom ngayon si Cristine sa kanyang anak na si Amarah, ay hindi naman maikakaila na masaya ang aktres sa pagdating nito sa buhay niya. Makikita nga na nagampanang mabuti ni Cristine ang responsibilidad ng isang ina at ama nang magkasabay.

Credits: Cristine Reyes | IG 

Hindi man madali ang pinag-daanan ng aktres na tumayong ina at ama sa kanyang anak at itaguyod ito ng mag-isa, ay pinatatag naman siya ng panahon. Ngayon nga, ay anim na taong gulang na ang kanyang anak na si Amarah, at talaga namang napakagandang bata nito na nagmana sa kagandahan ng aktres.

Credits: Cristine Reyes | IG 

Makikita rin naman na talagang malapit sa isa’t isa ang mag-ina, kung saan nga ay madalas magbonding. At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ni Cristine ang masayang bakasyon nilang mag-ina sa Boracay. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa taglay na ganda at mala-paraisong lugar ng isla ng Boracay. Kaya naman, ang mag-inang Cristine ay muling bumalik sa paborito nilang tambayan para lasapin ang isang masayang bakasyon.

Credits: Cristine Reyes | IG 

Sa mga larawang ibinahagi nga ni Cristine sa social media, ay masisilayan ang masayang bonding moments nilang mag-ina. Agaw pansin naman ang natatanging kagandahan at kaseksihan ng aktres sa mga larawan habang suot ang kanyang bikini oufit.

Hindi naman maikakaila na ang napaka-fit at seksing katawan ni Cristine, ay kanyang nakamit dahil na rin sa kanyang pangangalaga sa kanyang sarili. Marami nga ang talagang napa-wow sa kahanga-hangang kaseksihan ng aktres lalo na nga’t may well-toned abs rin ito.


Samantala, hindi lamang mga magagandang lugar at bakasyunan sa bansa ang binibisita ng mag-ina. At dahil sila’y travel buddy, maging sa labas ng bansa ay nag-eenjoy rin silang magbakasyon. Sa katunayan nga nito, ay napuntahan na nilang mag-ina ang ibang bansa kagaya ng Finland, France, at United Kingdom.

Credits: Cristine Reyes | IG 

Napakasarap naman talagang mag-travel kasama ang mahal sa buhay. At ang makasama nga ni Cristine ang kanyang anak sa paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ay sapat na para makabuo sila ng masasayang alaala nang magkasama.

Tunay nga na walang ibang hiling ang inang gaya ni Cristine, kundi ang makasama ang anak sa masasayang yugto ng buhay. At dahil nga, si Amarah na ang nagsisilbing joy and happiness ni Cristine, ay wala na siyang mahihiling pa.

error: Content is protected !!