Connect with us

Entertainment

Cristine Reyes, Ibinahagi ang mga Mahahalagang Bagay na Kanyang Natutunan Bilang Isang Single Mom

Hindi madali ang mamuhay at magpalaki ng anak nang mag-isa. Sa halip nga na isang responsibilidad lamang ang nakaatang sa balikat, ay dalawang responsibilidad ang dapat gampanan, ang maging parehong ama at ina.

Photo credits: Kristine Reyes | IG

Napakahirap nga ang maging isang single parent, dahil wala kang aasahan kundi ang iyong sarili. Katulad na lamang nga ng aktres na si Cristine Reyes na isang single mom kung saan ay marami siyang bagay na natutunan sa buhay.

Photo credits: Kristine Reyes | IG

Si Cristine Reyes ay isa sa mga sikat na artista ngayon sa industriya ng showbiz. Nagsimula siyang makilala sa industriya nang sumali sa reality talent show na StarStruck sa GMA Network. Magmula noon ay lumikha na ng sariling pangalan Christine kung saan ay pinatunayan niya ang kanyang taglay na talento sa pag-arte sa mga proyektong kanyang ginampanan. Limang taong namayagpag ang karera ni Cristine sa GMA, hanggang nagpasya siyang lumipat ng ABS-CBN noong 2008.

Photo credits: Kristine Reyes | IG

Samantala, sa pagdaan ng panahon ay natagpuan naman ng aktres ang lalaking magiging katuwang niya sa buhay sa katauhan ng isang Mixed Martial Arts fighter na si Ali Khatibi. At noong January 27, 2016 ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Balesin Island, Quezon. Ngunit, ang inaakalang tunay at wagas na pag-ibig ni Cristine, na hindi magwawakas ay natuldukan nang kumpirmahin ng aktres ang kanilang paghihiwalay noong taong 2019.

Photo credits: Kristine Reyes | IG

Magmula nga noon ay mag-isa na niyang ginampanan ang tungkulin bilang magulang sa kanyang anak. Biniyayaan ng isang anak ang kanilang pagsasama, siya ang napakagandang si Amarah. Si Amarah ay isinilang ni Cristine noong February 8, 2015. Hindi man maganda ang kinahinatnan ng relasyon nila ng kanyang dating asawa, ay maayos naman ang relasyon nila bilang magkaibigan alang-alang sa kanilang nag-iisang anak.

Photo credits: Kristine Reyes | IG

Bilang isang single mom nga, ay matinding hirap at sakripisyo ang ginawa ni Cristine para maitaguyod at mapalaki ng maayos ang kanyang anak. Kailangang kumayod at magsipag ni Cristine para lamang matustusan ang pangangailangan ng kanyang anak.

Ayon nga kay Cristine, bago pa man dumating ang pandemya, ay kailangan na niyang kumayod para sa kanyang anak. Bilang isang single mom nga, isa sa kanyang mga natutunan sa buhay, ay magsumikap at magsakripisyo lalo na’t alam niya sa sarili niya na wala siyang ibang aasahan kundi ang kanyang sarili.

Photo credits: Kristine Reyes | IG

“Before pa po nagkaroon ng pandemic, I had to work na right away, so yun ang mas mahirap. Kasi yun ang time na bagong panganak pa lang ako kay Amarah and I got separated from here when she was only 4 months old. Yan yung devastated ko.”

“Natuto rin ako to live with it coz I cannot do anything about it. I’m working mom, I’m single working mom.”

“And also before the pandemic happened, I got to work abroad for the movie ‘Untrue’ tapos three weeks, so wala pang pandemic noon.”

Hindi naman matatawaran ang magandang relasyon ni Cristine at Amarah bilang mag-ina. Kwento pa nga ni Cristine, noong wala pang pandemic ay madalas silang magbakasyon abroad. Bumibisita rin si Amarah sa kanyang mga tapings. Matatandaan naman na minsan nang ibinahagi ng aktres, na balak rin ng kanyang na pasukin ang showbiz upang mag-artista.

Photo credits: Kristine Reyes | IG

Samantala, kamakailan lamang nang mapabalita sa social media na namimiss na ni Ali Khatibi ang kanilang anak ni Cristine, matapos nitong ibahagi ang lumang larawan nila ni Amarah na magkasama.

error: Content is protected !!