Connect with us

Entertainment

Cong TV At Viy Cortez, Walang Pagsidlan Ng Tuwa Matapos Malaman Na Isang “Little Cong” Ang Kanilang Magiging Panganay Na Anak

Tuwang-tuwa ang mga sikat na vlogger na si Cong TV at Viy Cortez sa bagong biyaya na ipinagkaloob sa kanilang buhay na siyang bubuo sa kanilang pamilya. Magmula nga ng ianunsiyo ng YouTube couple ang magandang balita na muli silang biniyayaan ng anak, ay marami na sa kanilang mga tagahanga ang nakaabang kung ano nga ba ang magiging gender ng kanilang first born baby.

CREDITS: Cong TV  | YT

Kaya naman, para sa kanilang mga fans ay isang vlog ang inihanda ng Youtube couple, kung saan nga ipinasilip nila ang gender reveal party para sa kanilang panganay na anak. Nito lamang ika-5 ng Pebrero nang ibahagi ni Cong sa kanyang YouTube channel ang vlog ng gender reveal party kung saan nakasama nila ang buong Team Payaman at kanilang mga magulang.

CREDITS: Cong TV  | YT

Excited nga ang lahat na malaman kung baby girl o baby boy ang magiging first born nina Cong at Viy. Ang bawat isa ng nga ay may kanya-kanyang hula, kung saan nahati sa “little Cong” at “little Viy”. Sa isang event place ginanap ang bonggang gender reveal party nina Cong at Viy.

CREDITS: Cong TV  | YT

Gamit ang isang helicopter ang naging paraan para maibunyag sa lahat ang gender ng first born ng Youtube couple. Habang nakaabang ang lahat ay mababakas naman ang excitement sa mukha ng bawat isa. Ang ilan nga, ay may ginawa pang pustahan sa kung anong magiging gender ng panganay na anak nina Cong at Viy. Nang lumipad nga ang helicopter sa himpapawid ay lumabas ang usok na blue, na nangangahulugan na isang lalaki ang gender ng kanilang magiging panganay na anak.

CREDITS: Cong TV  | YT

Sa sobrang tuwa nga ni Cong nang masilayan ang asul na usok at confeti, na patunay na “little Cong” ang kanyang unang baby, ay hindi niya mapigilan ang mapatakbo sa labis na kasiyahan. Naging emosyunal naman ang future mommy na si Viy, kung saan nga ay napaluha sa sobrang saya.

CREDITS: Cong TV  | YT

Ayon nga kay Viy, ay talagang baby boy ang inaasahan niyang magiging panganay na anak lalo na nga’t panay sila babae sa kanilang bahay.

“Hindi ko talaga alam kaya ako naiyak. Inaasahan ko talaga ay boy, ina-attract ko talaga boy kasi puro kami girls sa bahay.”

CREDITS: Cong TV  | YT

Makikita naman sa nasabing vlog na nagkaroon ng isang masayang pagdiriwang ang kanilang pamilya at buong Team Payaman dahil isang little Cong ang darating sa kanilang pamilya. Sa kanilang masayang selebrasyon ay nagbigay naman ng mensahe ang mga magulang nina Cong at Viy para sa kanilang binubuong pamilya.

CREDITS: Cong TV  | YT

Isang mensahe naman ang ipinaabot ni Cong sa kanyang little Cong na pinangalanan niyang “Kidlat”. Sa mensahe ng future daddy ay mababakas ang labis na pagmamahal sa kanyang anak, na kahit nasa loob pa lang ng sinapupunan ni Viy, ay talagang madadama na ang kanilang pagmamahal sa kanilang magiging panganay.

CREDITS: Cong TV  | YT

“Ang message ko kay Kidlat, nakikita mo naman anak kasi mapapanood mo ito 10 years, 15 years, or 20 years from now. Makikita mo kung paano namin ipinagdiwang ikaw ang pagdating mo.

“Hindi ka pa lumalabas makikita mo kung gaano ka na namin kamahal. Maraming salamat kasi dumating ka at mukhang babaguhin mo ang buhay namin. I love you, Kidlat.”

error: Content is protected !!