Connect with us

Entertainment

“Communication and trust ang importante”:Yam Concepcion, Ibinahagi ang Sikreto Upang Mapatibay at Mapatatag ang Isang Long Distance Relationship

Napakasarap naman talagang umibig lalo na nga kung mahal na mahal ka ng taong iyong iniibig. Isang pag-ibig na talagang damang dama ang walang katumbas na kaligayahan.

Lalo namang sasaya ang pagsasama ng dalawang pusong nagmamahalan kung madalas na nagkakasama at nakakapag-usap para makapagbonding. Isa na rin itong paraan upang mapatatag at mapatibay ang relasyon. Ngunit, kung ang madalas magkasamang magkasintahan, ay nagkakaroon ng mga pagsubok sa kanilang relasyon kung saan talagang susubukin ang tiwala sa isa’t isa, paano na kaya ang magkasintahan na magkaiba ng lokasyon o nasa magkabilang panig ng mundo?

Napakahirap naman talagang mapabilang sa samahan ng long distance relationship. Bukod sa lungkot na kaakibat nito, ay kailangan ring buo ang tiwala sa isa’t isa nang sagayon ay manatili ang tatag at tamis ng pag-iibigan.

Photo credits: yamconcepcion | IG

Ngunit, paano nga kaya mapanatiling matibay at matatag ang isang relasyon kahit na ito’y long distance relationship?

Ito nga ang ibinahagi ng aktres na si Yam Concepcion sa panayam ni Toni Gonzaga para sa I Feel U. Sa ngayon nga, ay nasa long distance relationship sa kanyang non-showbiz boyfriend na Miguel Cu-unjieng, na naninirahan abroad.

Sa nasabing panayam ay sinabi ni Yam na bago pa man magkaroon ng pandemya, at manalasa ang corona virus, ay nasa estado na sila ng LDR ng kanyang boyfriend, kaya naman hindi na gaanong mahirap sa kanila ang adjustment sa kanilang set up.

“Sanay na kami ng [long-distance relationship], so okay lang. Pero swerte nakauwi siya nung December for two weeks,”pahayag ni Yam.

Samantala, kwento naman ni Yam, na kahit nasa long distance relationship sila, ay tinitiyak niya at ng kanyang boyfriend na gampanan ang kanilang responsibilidad sa kanilang relasyon. At dahil nga dito, ay hindi nila umano maramdaman ang kanilang pagkakalayo sa kabila ng distansiyang nakapagitan sa kanila na tila ba magkasama lang sila palagi.

At ang pinakasikreto nga ayon kay Yam, para magkaroon ng isang matibay at matatag na relasyon gaano man kalayo sa isa’t isa, ay ang komunikasyon at tiwala.

”Communication and trust ang importante.”

Photo credits: yamconcepcion | IG

Ibinahagi naman ni Yam sa panayam, na sa darating na Mayo ay lilipad siya patungong New York upang makasama ang kanyang boyfriend.

Photo credits: yamconcepcion | IG

Sa ngayon ay may bagong proyektong pinagbibidahan si Yam kung saan muli na namang hahangaan ang kanyang husay sa pag-arte. Ito ang ABS-CBN drama na “Init sa Magdamag” kung saan makakasama niya ang mga aktor na sina Gerald Anderson at JM de Guzman.

error: Content is protected !!