Connect with us

Entertainment

Coleen Garcia, Nagbigay Babala Sa Publiko Tungkol Sa Contractor Na Nanloko Sa Kanila Nang Magpagawa Sila Ng Bahay

Hindi nga napigilan ng aktres at celebrity mom na si Coleen Garcia na isiwalat sa publiko, ang hindi magandang karanasan sa contractor na gumawa ng kanilang bahay na nagngangalang Marlo Arcolas ng Modulark. Ang mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford ay naging biktima ng panloloko ng nasabing contractor kung kaya’t nagbigay ng babala ang aktres sa publiko para matigil na ang panloloko nito sa iba.

Idinaan ni Coleen sa Instagram stories ang kanyang babala sa publiko patungkol sa nasabing contractor. Sa kanyang post, ay ibinahagi ng aktres ang “millions in work and damages” na ginawa ni Marko Arcolas sa kanilang bahay.

Makikitang ibinahagi ni Coleen ang screenshot ng post ng username na reccion.anikanik, na kung saan nga ay humihingi ng tulong ang nasabing netizen para makarating kina Coleen at Billy ang kanyang post. At sa nasabing post ng netizen ay nais nitong kumpirmahin kung ang contractor na nang nascam sa kanilang magkakapatid, ay siya ring tao na nagmamalaking gumawa ng bahay ng mag-asawang Coleen at Billy.

Hindi naman nag-alinlangan si Coleen na kumpirmahin sa kanyang post, na ang taong si Arcolas na sinasabi ng netizen ay siya ring gumawa ng kanilang bahay na ngayon nga ay marami nang sira.

“Marlo Arcolas is, by profession, a contractor. He is also a huge SCA’MMER”,diretsahang pahayag ni Coleen.

Ayon pa sa aktres, ay isa itong kriminal na dapat pagbayarin sa nagawang kasalanan. At dahil nga, patuloy ito sa ginagawang panloloko ay hindi nila ito palalampasin.

“This man is straight up a CRIMlNAL, and we are doing our part to ensure that he will be treat as such. Since he still continues to fool other people.”

Sinabi pa ni Coleen sa kanyang post, ay malaki raw ang atraso ng taong ito sa kanila kung saan nga ay “millions in work and damages”. Isa pa umanong hindi magandang ginagawa nito, ay ginagamit pa nito ang pangalan ng kanyang ama para makakuha ng iba pang kliyente.

“The few things he did finish were done TERRIBLY. Today, he owes us MILLIONS in work and damages. And on top of that, he uses MY DAD’s name as an excuse to other clients. I don’t even know why. Apparently, WE owe him.”

Dagdag pa ni Coleen, bago pa man niya isilang ang kanilang anak ni Billy na si Baby Amari, ay sinimulan na ni Marlo ang paggawa sa kanilang bahay ngunit hanggang ngayon nga na mahigit isang taon na ang nakalipas ay hindi pa ito natatapos at marami na ring sira.

Ayon pa kay Coleen ay ayaw na niyang idetalye ang iba pang nangyari dahil talagang hindi ito maganda, at nagdulot sa kanila ng stress. Bagama’t, naging mahaba ang kanilang pasensya kay Marlo, sa pagkakataong ito ay hindi na nila ito papalagpasin.

error: Content is protected !!