Connect with us

Entertainment

Coleen Garcia, Ipinasilip ang Cute na Larawan ng Kanyang Anak na si Baby Amari at kanyang Baby Sister Kasama ang Alagang Aso na si Tamomo

Isang biyaya ang dumating sa pamilya ng aktres na si Coleen Garcia, ito nga ang kanyang kapatid sa kanyang ama na si Alison Louie. At noong nakaraang buwan ng Oktubre 29, ay proud na ipinakilala ni Coleen sa publiko ang kanyang napakacute na kapatid, na kasing edad lamang ng kanyang anak na si Baby Amari.

Sa Instagram, ay proud niyang ipinakita ang cute na larawan ng kanyang kapatid sa ama niyang si Jose Luis Garcia kasama ang asawa nitong si Sey. Hindi naman maikakaila na kahit bagong silang pa lamang si Baby Alison, ay sadyang napakacute at amo ng mukha nito na namana sa kanyang mga magulang ang magandang katangian.




Samantala, ibinahagi naman ni Coleen ang nakakatuwang reaksyon ng kanyang anak na si Baby Amari, sa unang pagkikita nila ng kanyang tiyahin na si Baby Alison.

“My baby sister’s trying to access Amari’s milk stash, and he’s not having it. lol”caption sa post ni Coleen.

Matapos naman ang ilang buwan, kung saan ay malaki na ang kanyang anak na si Baby Amari at kanyang baby sister, ay muli na namang nagbahagi si Coleen ng cute na larawan ng mga ito. Makikita nga na talagang napakacute tingnan ng magtiyahin sa larawan. Masisilayan na hindi nagkakalayo ang mukha ng dalawa sa isa’t isa. Walang-duda na napakaganda ng lahing kanilang pinagmulan, dahil talaga namang napakacute at napakaamo ng kanilang mukha.

Ngunit, hindi lamang nga si Baby Amari at Baby Alison ang napakacute tingnan, dahil hindi rin nawala sa eksena ang alagang aso nina Coleen na sa Tamomo. Tila nga, ayaw magpahuli ni Tamomo pagdating sa kacutan kahit pa nga mga baby ang kanyang kasama.




Caption nga ni Coleen sa kanyang post, ay tingnan umano sa mga larawan hanggang sa huli upang makita ang kanilang original baby. Ngunit, nakakatuwang isipin na sa huling litrato ay makikitang magkasama si Baby Amari at Tamomo, pero mas malinaw at mas malapit ang kuha ng camera kay Tamomo. Tila nga tinutukoy ni Coleen na original baby, ay ang kanilang alagang aso na ayaw magpahuli sa atensyon pagdating kay Coleen.

“My baby, and my baby sister 🥰 Swipe all the way to the end to see the original baby”

Ang nasabing mga larawan naman nina Baby Amari at Baby Alison kasama ang asong si Tamomo, ay kinagiliwan ng mga netizens. Narito ang kanilang mga komento:

“Can’t get any cuter than that! 😩😩😩” @ms.kay.19
“Nakatuwa ung 1st photo akala mo mga matatanda ng nagkwekwentuhan, super cute nilang dalawa❤️❤️❤️” @chang.yie.yien
“Grabe naman…too cute for words!!!😮😍” @mischejewel

error: Content is protected !!