Connect with us

Entertainment

Coleen Garcia, Ibinahagi ang Cute Photo ni Baby Amari na may Nakakatuwang Reaksyon nang Unang Beses na Makaapak sa Buhangin

Kung kacutan lang naman ang pag-uusapan, nangunguna riyan ang anak ng celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Baby Amari. Hindi nga talaga maiwasan na panggigilan ang napakacute at matambok na pisngi ni Baby Amari.

Kaya naman, ang mga tagahanga ni Baby Amari ay nakasubaybay sa kanyang milestone na madalas ibahagi ng kanyang mga magulang na sina Coleen at Billy sa social media.

Ang kanyang mga larawan nga, ay talagang kinagigiliwan at naghahatid ng goodvibes sa kanyang mga tagahanga. Madalas nga, na ang post ni Coleen ay dinadagsa ng komento na puno ng papuri at paghanga kay Baby Amari. Sa bawat bakasyon o kahit simpleng pamamasyal lamang ni Baby Amari, ay talagang hinahangaan ang kanyang mga larawan.




At kamakailan lamang, ay muli na naman ngang pinanggigilan ng mga netizens ang napakacute na si Baby Amari. Ito nga ay matapos ibahagi ni Coleen ang bagong milestone ng kanyang anak.

Sa Instagram, ay ibinahagi ni Coleen ang larawan at video kung saan makikitang nasa beach sila ni Baby Amari. Ang precious moment na ito, na unang beses na naranasan ni Baby Amari ang makatapak ng buhangin ay ikinatuwa ni Coleen. Makikita nga sa larawan, na prenteng nakaupo si Coleen habang hawak si Baby Amari na nakatapak sa buhangin.

Makikita sa reaksyon ni Baby Amari na tila nanibago sa pakiramdam habang nasa buhangin ang mga paa. Sa maikling video nga, ay makikita na ginagalaw-galaw pa nito ang kanyang mga paa upang madama ang buhangin.

Samantala, ang nasabing post ay nilakipan naman ni Coleen ng caption kung saan sinabi niya na masaya siyang unti-unti nang naeexplore ni Baby Amari ang kanyang kapaligiran.

“Amari’s first time to feel sand. So happy he finally gets to explore the world around him, little by little.”

Bilang isang first time mommy nga, ay mahalaga kay Coleen na masubaybayan ang bawat milestone ng kanyang anak. Kaya naman, talagang kinukunan niya ng larawan at video ang bawat sandali.




Dahil nga talagang agaw pansin ang kacutan ni Baby Amari, ay agad na dinagsa ang cute photo ni Baby Amari ng mga positibong komento at komento ng paghanga mula sa mga malalapit na kaibigan ni Coleen sa showbiz at mga netizens.

error: Content is protected !!