Coco Martin, Dumalo sa Pagdiriwang Ng Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo Church Upang Magpasalamat sa kanyang mga Naabot na Tagumpay

Isa si Coco Martin sa mga artistang kinikilala at hinahangaan sa ating bansa. Sa galing nitong umarte ay hindi maikakaila ang mga parangal at biyayang kanyang natatanggap bilang isang aktor.

Kilala natin ang sikat na aktor sa kanyang pagganap sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan mahigit 4 taon ng umeere at namamayagpag sa telebisyon.

Isa rin si Coco Martin sa mga artista na deboto ng Poong Nazareno. Nagsimula ang kanyang pagiging deboto ng  ang kanyang mga magulang ay maghiwalay noong siya ay bata pa at lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang lola na isa rin sa mga deboto ng Poong Nazareno.



Dito kinalakihan ni Coco ang pagkakaroon ng isang matibay na pananampalataya. Palagi rin syang pumupunta sa Quiapo Church kasama ang kanyang lola upang huminge ng gabay at patnubay sa Poong Nazareno.

Sa kabila ng kanyang kasikatan at tagumpay bilang isang artista,hindi nakakalimot si Coco sa kanyang pinagmulan upang maabot ang kanyang kinaroroonan. Kaya naman, ngayong araw ng Pista ng Poong Nazareno ay nag-alay sya ng kapurihan at pasasalamat sa mga biyayang kanyang patuloy na natatanggap.

Sa kanyang social media account ay ibinahagi ng aktor ang kanyang lubos na pasasalamat sa ating Poong Maykapal. Mababasa rin sa naturang pahayag ng aktor ang kanyang pasasalamat at papuri  sa Mahal na Poong Nazareno dahil marami sa kanyang buhay ang dapat nyang ipagpasalamat dito lalo na ang mga biyayang kanyang natatanggap, higit sa mga ito ang patuloy na pag usbong ng kanyang kareka bilang artista.

Nagpost din sya ng larawan ng Poong Nazareno na nagpapakita ng kanyang pagdalo sa pagdiriwang ng Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo Church bilang pasasalamat sa mga biyayang natanggap.



Pahayag ni Coco sa kanyang Instagram post

“Walang hanggang pasasalamat po sa Poong Jesus Nazareno sa lubos na biyaya,pagmamahal at paggabay sa akin at sa aking buong pamilya.”

“Higit pa sa aking hiniling noon ang binigay nyo sa akin ngayon”

“Maraming maraming salamat po Ama Jesus Nazareno”

dagdag pa ng aktor.

Hindi maikakaila na isang sikat na artista si Coco Martin dahil sa taglay nitong katangian.

At mas lalo pa syang sumikat dahil sa kanyang pinagbibidahang teleserye na ” FPJ’s  Ang Probinsyano na napapanood sa ABS-CBN.

Sya rin ang napapabalitang nobyo ni Julia Montes.