Connect with us

Entertainment

Coco Martin, Ibinahagi na ang Kanyang Kauna-unahang Big Bike ay Regalo sa Kanya ng Aktres na si Dawn Zulueta

Hindi maikakaila na malayo na ang narating ng aktor na si Coco Martin sa industriya ng showbiz. Magmula nga ng mapabilang sa Star Circle Quest Batch 9 at maging talent ng Star Magic, ay isa na ngang matagumpay na aktor at direktor si Coco na maraming pinagbidahang teleserye at pelikula. At ngayon nga, ay mapapanood siya sa kanyang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsiyano” na mismong siya rin ang direktor.

Dahil nga sa ilang taon nang namamayagpag ang kanyang action-drama series, at palaging umero uno sa ratings sa telebisyon, ay binansagan si Coco bilang “Kapamilya Primetime King”. Samantala, maliban naman sa mga pelikula at teleserye, ay nag-uumapaw rin ang mga endorsement ni Coco mula sa iba’t ibang kilalang produkto.

Photo credits: google.com

Samantala, sa kabila naman ng tagumpay na tinatamasa ngayon ni Coco ay hindi nawawala sa kanyang puso’t isipan kung saan siya nagmula. At hanggang ngayon nga, ay nananatili paring mapagkumbaba ang loob ni Coco kahit na nasa tuktok na siya ng tagumpay.

Isa naman sa talagang nagbibigay saya sa aktor, ay ang kanyang pagkahilig sa mga motorsiklo. Sa isang panayam nga, ay ibinunyag ni Coco na nagbibigay sa kanya ng saya at relaxation ang pagmamaneho ng mga big bikes. Makikita naman na talagang maliban sa kanyang magagarang sasakyan, ay hilig rin ni Coco ang pangongolekta ng mga big bikes.

Photo credits: google.com

Hindi naman maikakaila na ang hilig ni Coco sa mga big bikes ay dala-dala na niya noon pa man. Sa edad kasing 16 ay natutunan na ni Coco ang pagmamaneho ng motorsiklo. At noon nga ay tricycle ng kanyang lola ang kanyang gamit pagkatapos ng pasok sa paaralan hanggang pagsapit ng gabi para kumita ng pera upang masuportahan ang kanyang pag-aaral at makatulong sa kanyang pamilya. Ibinahagi rin ni Coco na ang kabuhayan ng kanyang ama at lolo noon ay pamamasada ng jeep para mapunan ang kanilang pangangailangan.

Photo credits: google.com

Kaya naman, nang magsimula ang pamamayagpag ng karera sa mga indie films, ay nagpasya si Coco na bumili ng tatlong tricycle at isang bagong jeep para magamit ng kanyang ama at lolo sa kabuhayan ng kanilang pamilya. Ibinahagi rin ni Coco na noong nasa kolehiyo pa siya ay may underbine bike siya, ngunit nang makapasok na nga sa showbiz ay mga big bikes na ang kanyang pagmamay-ari. Kaya naman, hindi lamang dalawa, kundi 11 na motorcyles, at karamihan ng nasa koleksyon ni Coco ay mga big bikes na talaga namang magagara at mamahalin.

Naging malapit naman si Coco sa mga artistang kanyang nakakatrabaho, at isa na nga rito ang batikang aktres na si Dawn Zulueta na nakasama niya sa teleseryeng “Walang Hanggan” noong 2012.

Photo credits: google.com

Ibinunyag nga ni Coco na ang kanyang big bike na labis niyang iniingatan ay regalo sa kanya ng multi-awarded aktres.

error: Content is protected !!