Connect with us

Entertainment

Claudine Barretto, Inalala Ang Kaarawan Ng Yumaong Ex-Boyfriend Na Si Rico Yan

Isa sa mga kahanga-hangang ugali ng mga Pinoy ay ang pagmamahal sa mga taong wala na sa mundong ibabaw o pumanaw na. Bagama’t hindi na natin sila kapiling ay nagagawa pa rin natin silang alalahanin sa mga espesyal na araw kagaya na lamang ng kanilang kaarawan.

Photo Credit: Google Image




Wala man sila sa ating piling at hindi natin sila nakakasama, nananatili pa rin sila sa ating mga puso kasama ang mga masasayang ala-ala na kanilang iniwan sa atin noong sila’y nabubuhay pa.

Kagaya na lamang ng aktres na si Claudine Barretto na hindi pa rin nalilimutan ang masayang ala-ala nila ng pumanaw niyang ex-boyfriend. Mahigit dalawang dekada na ang lumipas nang pumanaw ang aktor na si Rico Yan, ngunit may espesyal na lugar parin ito sa puso ni Claudine hanggang sa ngayon.

Photo Credit: Claudine Barretto Instagram

Kaya naman muling binuhay ni Claudine ang ala-ala ng kanyang yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan nang magpost ang aktres sa Instagram ng pagbati para sa kaarawan ng yumaong aktor.

“Happy Birthday in Heaven RY. Know that you are still loved and remembered”

Ang yumaong aktor na si Rico Yan ay ipinanganak noong March 14, 1975 na ngayon nga ay nasa edad na 45 taong gulang na sana kung sakaling ito ay nabubuhay pa.

Photo Credit: Google Image




Isa ngang espesyal na araw ito upang alalahin ang kaarawan ng yumaong aktor, na siya ngang ginawa ng dati niyang kasintahan na si Claudine. Naging maganda ang relasyon at samahan ng magkasintahan noong kapanahunan nila na kung saan ay hinahangaan at kinakiligan ang kanilang pag-iibigan at tambalan sa telebisyon at mga pelikula. Ilan nga sa kanilang ginawang teleserye na pumatok at tumatak sa ating mga puso ay ang “Mula Sa Puso” at “Saan Ka Man Naroroon”. May pelikula rin silang inabangan ng publiko dahil talagang nakakakilig at bagay na bagay ang kanilang tambalan, ilan na nga rito ang “Dahil Mahal Na Mahal Kita” at “Got To Believe”

Photo Credit: Google Image

Ngunit ang masaya nilang relasyon at pagmamahalan ay nauwi sa paghihiwalayan at tinapos ang kanilang apat na taong relasyon bilang magkasintahan. At mas lalo pang naging malungkot nang pumanaw ang aktor noong 2002.

Photo Credit: Google Image




Ang aktor na si Rico Yan ay natagpuang walang buhay sa loob ng silid ng isang hotel sa Palawan ng kanyang malapit na kaibigan na si Dominic Ochoa. Ayon sa doktor na sumuri sa mga labi ni Rico Yan, “acute hemorrhagic pancreatitis” o mas kilala sa tawag na bangungot ang naging sanhi ng pagkamatay ng aktor. Ang pagkasawi ng buhay ng aktor ay naganap noong March 29, 2002 na kung saan ay ilang araw lamang ang nakakalipas matapos nitong ipagdiwang ang ika-27th birthday.

error: Content is protected !!