Connect with us

Entertainment

Claudine, at Gretchen, Kasama ang Inang Si Inday Barretto at Tony Boy Cojuangco Magkakasamang Dumalo Sa Kaarawan Ng Nanay Ni Atong Ang

Napakahalaga sa isang pamilya na makasama ang bawat isa lalo na sa mga espesyal na okasyon. Masasabing ito yung pagkakataon upang makapiling ang mga mahal sa buhay maging ang mga malalapit na kaibigan.



Kamakailan lang ay ibinahagi ni Gretchen Barreto ang mga larawan nilang magpapamilya ng sila ay pumunta sa kaarawan ng ina ng business man na si Atong Ang.

View this post on Instagram

@gretchenbarretto with my family

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Sa nasabing okasyon makikitang magkakasama ang magkakapatid na sina Gretchen, Claudine at JJ Barretto maging ang kanilang inang si Inday Barretto. Samantala naroon din ang asawa ng taong gulang na Aktres na si Tony Boy Cojuangco.

Sa ilang larawan nga na ibinahagi ng magandang aktres makikita sila na kasama ang birthday celebrant na si Ginang Catalina Ang, Nilagyan naman ni Gretchen ang ilang larawang ibinahagi ng caption na”Catalina Ang celebrates 90th birthday”



Samantala naging masaya ang espesyal na okasyon na ginanap sa bagong tayong arena na pagmamay-ari din ng 62 taong gulang na mayamang negosyante, ito ay dinaluan ng mga malalapit na kaibigan at kapamilya

Sa kabilang banda naging usap-usapan naman ang pagdalo ng mag-asawang Gretchen at Tony Boy sa nanay ng negosyante. Maalalalang nagkaroon ng mga bali-balitang diumano ay may relasyon si Gretchen sa mayamang negosyante.

View this post on Instagram

Catalina Ang celebrates 90 ?swipe left◀️

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Samantala nag-ugat ang nasabing isyu dahil sa ilang mga larawan na makikitang magkahawak kamay ang aktres at negosyante. Sa kabilang banda mariing itinanggi ng maybahay ni Tony Boy ang isyu at sinabing ganoon lang talaga sila bilang malapit na magkaibigan. Maging ang negosyante ay pinabulaanan din ito.



Sa kabilang banda, masasabing napawi ang lahat ng mga hinala ng netizen dahil sa pagpunta nila Gretchen maging ang asawang si Tony Boy sa ika-90 kaarawan ng ina ni Tony Ang.

Sa ngayon ay maraming netizen ang natutuwa na makita ang pamilya Barretto na magkakasama sa kabila ng mga kontrobersiyal na kinakaharap ng kanilang pamilya.

error: Content is protected !!