Connect with us

Entertainment

Ciara Sotto, Ibinahagi ang Kanyang Labis na Pasasalamat Sa Pagdating ng Kanyang Fil-Am Boyfriend na si Ian Austin sa kanyang Buhay

Si Ciara Sotto ay kilalang aktres at singer sa industriya ng showbiz. Maliban rito, ay dati rin siyang TV host kung saan ay napabilang sa longest running noon time show na Eat Bulaga noong 2005 hanggang taong 2012. Sa kanyang pananatili sa Eat Bulaga, ay nakatambalan niya ang aktor at co-host na si Paolo Ballesteros kung saan binansagan silang “CaiPao”.




Maliban naman sa pagiging TV host at aktres, ay isa ring full-time mom si Ciara sa kanyang anak na si Vicenzo Jose o Crixus na isinilang niya noong March 2015. Ikinasal si Ciara sa dating asawang businessman na si Jojo Oconer, ngunit nagwakas ang kanilang pagmamahalan noong 2016.

Sa kabila ng kabiguan sa pag-ibig, ay naging matatag sa buhay si Ciara. Dahil nga sa naging karanasan, ay tiniyak niya na sa muling pagtibok ng kanyang puso, at manliligaw sa kanya, ay matatanggap rin nito ang kanyang limang taong gulang na anak.

Para nga kay Ciara,“ If you can’t live with that, I think that’s not the right guy for me.”

Dahil dito, ay naging maingat si Ciara sa pagdating ng mga taong nais pumasok sa buhay niya. Hindi man madali, ngunit tila sadyang napakapalad ni Ciara dahil muling tumibok ang puso niya sa taong tanggap ang kanyang pagkatao at kanyang anak. Ito nga ay natagpuan ni Ciara sa kanyang Fil-Am boyfriend na si Ian Austin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole)

Unang nagkakilala sina Ciara at Ian sa Las Vegas, Nevada ngunit pareho silang may partner noon. At noong 2018 nga, ay ipinakilala na ito ni Ciara sa publiko. Ito nga ay sa pamamagitan ng Instagram post kung saan ay nilakipan niya ng caption na “love”. At noong nakaraang Agosto 2020, ay masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang ika-2 taong anibersaryo bilang magkasintahan.




Laking pasasalamat naman ni Ciara dahil magkasundo ang kanyang anak na si Crixus at si Ian. Close na close nga raw ang dalawa, at natutuwa siya dahil parang mag-ama ang turing ng mga ito sa isa’t isa. Hindi lamang nga sa kanya at kanyang anak gentleman at may respesto si Ian kundi pati na rin sa kanyang mga magulang. Kaya naman, maging sina Tito Sen at Helen Gamboa, ay hindi maikakaila na gustong-gusto ito para sa kanilang anak na si Ciara.

“It’s a blessing na rin na magkasundo sila, hindi ko rin naman in-expect na mapapamahal siya kay Crixus saka mapapamahal si Crixus sa kanya.”

Samantala, ibinahagi naman ni Ciara sa kanyang Instagram, kung gaano siyang nagpapasalamat kay Ian sa pagdating nito sa buhay niya.

Saad nga ni Ciara sa isang appreciation post para kay Ian,

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole)

“’Grateful for Ian. I cannot thank the Lord enough for bringing Ian into my life. For me, he’s the sweetest guy ever! I don’t remember being this “kilig” with anyone less but him (excuse the cheese haha!) Apart from making me feel special and treating me like a princess, he is one person who calms me down by simply having the right words to say. He knows when I feel bad, shows how much he cares for me, and helps me out in every way he can even before I ask for it. Thank you for your sweet ways, I wouldn’t have it any other way. Thank you being very loving to Crixus, it makes my heart full seeing him enjoy your company so much! I love you Babe!”

error: Content is protected !!