Connect with us

Entertainment

Chynna Ortaleza, Nakatulog Matapos Mapagod sa Pag Dedecorate para sa Selebrasyon ng Kaarawan ng Panganay na Anak na si Stellar

Hindi lamang isa, kundi dalawang selebrasyon ang masayang ipinagdiwang ng celebrity couple na sina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano sa loob ng kanilang tahanan nito lamang ika-18 ng Abril araw ng Linggo.

Isang masayang advance celebration para ika-limang taong kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Stellar at kasabay nga ang graduation nito. Ang mismong araw ng kapanganakan ng panganay nina Chynna at Kean ay noong Abril 20, ngunit nagpasya ang celebrity couple na iadvance ang selebrasyon nito.

Nasubok naman ang creativity at husay ni Chynna sa pagdidisenyo ng set up ng venue para sa kaarawan ni Stellar kung saan ay may Alice in Wonderland theme. At ito nga ay DIY na mismong si Chynna ang gumawa at nagdisenyo.

Sa Instagram, ay ibinahagi ay ibinahagi naman ni Chynna ang ilang larawang kuha sa venue ng pagdiriwang. At makikita naman na kahit napagod ang aktres, ay napakaganda namang pagmasdan ng kanyang ginawang Alice in Wonderland themed birthday party.

Sa isang post nga sa Instagram, ay sinabi ni Chynna na matagal na siyang hindi nakakapag set up ng DIY. At nakaramdam siya ng pagod matapos ngang mag-set up ng dekorasyon.

“Trying my best to create a magical world for the both of you. Glad you guys are happy…pero sa super excited ng lahat? and ending..swipe left. First time in a long time to DIY a set up. Pagod oi!”

Nauna namang ibinahagi ni Chynna sa kanyang Instagram account, ang larawan ng kanyang anak na si Stellar na kuha sa DIY Alice in Wonderland themed birthday party nito. Sulit naman ang lahat ng pagod ni Chynna dahil napakaganda ng resulta nito.

Caption naman ni Chynna sa kanyang post, ay hiniling talaga ng kanyang anak na magkaroon ng munting selebrasyon dahil namimiss na nga raw nito ang kanyang mga kaklase at kaibigan. Na sana raw at makalaro na niya ng personal ang kanyang mga kaibigan.

“Stellar’s advanced fifth birthday and graduation treat! She requested for a little celebration this year because she misses playing daw with her classmates and friends. She wishes she can play with all of them physically.”

Ayon naman sa mga social media updates ni Chynna, ay sa Macquarie Preparatory School, nag-aaral ang kanilang anak na si Stellar. Ito ay isang Montessori school na matatagpuan sa Quezon City. At dahil nga sarado ang mga paaralan ngayon, at walang face to face classes dahil sa pandemya ay naka-online class lamang ngayon si Stellar.

Taong 2015 nang ikasal sina Chynna at Kean, na kung saan ay biniyayaan ng dalawang supling ang kanilang pagsasama. Maliban nga kay Stellar, may isa pang anak ang celebrity couple. Siya si Salem na malapit nang sumapit ika-dalawang taong kaarawan sa darating na Setyembre.

error: Content is protected !!