Connect with us

Entertainment

Chito Miranda, Madiskarte rin sa Paghawak ng Pera, Kayang-kayang Kumita Kahit Pa Huminto sa Pagbabanda

Sa pinagsamang sipag, tiyaga at diskarte sa pagnenegosyo at paghawak ng pera ng mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda, ay talaga namang sila ang patunay ng wais na misis at wais na mister.

Hindi naman na ito nakapagtataka dahil talaga namang makikita ang tagumpay nilang mag-asawa sa marami nilang negosyo. Tila nga epektibo ang ginagawa nilang diskarte pagdating sa paghawak ng pera at pagnenegosyo.

Sa isang vlog ay ibinahagi ni Chito ang kanilang diskarte pagdating sa paghahawak ng pera bilang mag-asawa at pati narin sa negosyo. Ayon nga kay Chito, ay hindi nila pinapakialaman ang pera ng isa’t isa at maging ang pagpapatakbo ng negosyo ng bawat isa. Ito nga ay dahil may sarili silang diskarte at istilo pagdating sa pamamalakad ng negosyo.

“When it comes to businesses, the reason why we have our own negosyo, ay because may sari-sarili kaming style at diskarte sa business.”

Photo credits: Chito Miranda | IG

At kung ano man nga ang desisyon ng isa’t isa sa kanilang gagawin sa negosyo, ay inirerespeto nila ito. Dagdag pa nga ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar, ay malaki ang naitutulong sa kanila ng pagkakaroon ng sariling pera at kanya-kanyang negosyo, dahil hindi sila nag-aaway sa usaping pera at negosyo.

Pagdating naman sa pera ni Neri, ay hindi naman ito pinapakialaman ni Chito, dahil may kalayaan itong gawin ang nais sa pinaghirapan nitong pera. Kung si Neri naman, ay risk taker pagdating sa mga investment, si Chito naman ay conservative lalo na nga’t hindi siya maaari magkamali sa paghawak ng pera dahil siya rin ang nagbibigay ng pangangailangan ng kanilang pamilya bilang padre de pamilya.

“Yung pera mo pwede mong pagtripan, ako ‘yung pera namin, I’m still the provider of this family. So, I need to be conservative because I can’t mess up.

“Meron siyang safety net. If she fails, it’s okay kasi I have enough to sustain and provide for my family. ‘Yun ‘yung advantage of having our own money.

“Her money is her money, my money is our money. Pero hindi na siya humihingi ng pangluho dahil mas marami siyang pera

Photo credits: Chito Miranda | IG

Ibinunyag naman ni Chito na sa kabila ng tinatamasang tagumpay ngayon ni Neri bilang isang negosyante, ay hindi rin madali ang pinagdaanan nito sa negosyo kung saan ay nalugi at hindi nga nagtagumpay noong una. Ngunit, ang bagay na ito naman ng dahilan upang matuto at mas dumami pa ang kanilang negosyo. Kinabiliban naman ni Chito si Neri dahil hindi nito ginagalaw ang perang pinaghirapan sa negosyo para ipambili ng luho.

Photo credits: Chito Miranda | IG

Ipinagmamalaki naman ni Neri ang kanyang asawang si Chito, bilang isang responsable at mapagmahal na asawa at ama ng kanilang pamilya. Pagbabahagi nga ni Neri, ay marami nang naipundar na ari-arian si Chito mula sa kinita nito sa pagbabanda. Bukod nga rito, ay marami rin umanong investments si Chito, kaya naman kahit umano pagbanda man o hindi ang kanyang asawa ay malaki ang kinikita nito. Dagdag pa nga ni Neri, kahit na huminto pa sa pagbabanda si Chito ay may dumarating umano itong pera kada buwan.

“Ang dami niyang na-invest. Before pa kami magkakakilala, nakapag-invest na siya ng mga properties. And now, with or without the band, kumikita siya dahil marami siyang investment na parentahan.”

“Not to mention the royalties and ‘yung mga ginagawa niyang jingles. ‘Yun pa lang ang laki na,” sey ni Neri.

“Kahit ‘di na siya magbanda, monthly dumarating ‘yung pera. I’m just saying na baka pagbabanda lang ang alam mo. No. Si Chito po ay napakagaling sa pera,” dugtong pa niya.

Photo credits: Chito Miranda | IG

Ipinaliwanag naman ni Chito, na ang perang kanyang kinikita ay hindi niya ginagastos sa mga bagay na hindi niya naman kailangan, bagkus ay ginagamit niya ito sa mga bagay na maaari niyang pagkakitaan.

“What I did when I started earning money, instead of spending it on stuff I don’t need, I spent it on things that would make more money for me..”

error: Content is protected !!