Connect with us

Entertainment

Chito Miranda, Ipinasilip sa kanyang Latest Vlog ang Kanilang Naipundar na Napakagandang Rest House sa Alfonso, Cavite na Ngayon Ay Bukas na para sa Publiko

Sa latest vlog na ibinahagi ni Chito Miranda nito lamang ika-7 ng Mayo sa kanyang Youtube Channel, ay nagbigay siya ng update sa bagong negosyo na binuksan nila ng kanyang asawang si Neri Naig-Miranda. Ito nga ang vacation rest house na matatagpuan sa Alfonso, Cavite na kamakailan, ay binuksan na rin sa publiko para rentahan.

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Inilibot ni Chito ang kanyang mga viewers, sa bawat bahagi ng rest house na talagang namang napakaganda. Unang ipinakita ni Chito ang mga bedrooms, na ayon sa kanya ay may apat na kwarto kung saan ay may naka-install na Smart TV at Netflix. Lahat rin ng

kwarto ay naka-aircon kaya naman makakapagpahinga ng maayos ang mga bakasyunista.

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Ayon kay Chito, kung sakaling mas nais mag-renta na ikakasal sa lugar, ay may nakahanda silang bride’s room at groom’s room na pareho ang disenyo ng silid. May kwarto rin na para sa magbabakarda na kasya ang 8 hanggang 10 tao.

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Ipinakita naman ni Chito ang malawak na pavillion na maaaring pagdausan ng mga event tulad ng kasal. Sa lawak nito ay kasya naman ang 8 lamesa. Bukod sa maaliwalas, ay fully air-conditioned rin ito at may nakahanda na ring sound system. Tiyak nga na maeenjoy ng mga bisita ang okasyon habang nasa loob ng pavillion.

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Samantala, sa labas naman ay makikita ang isang outdoor swimming pool, picnic area, at basketball court na talagang swak na swak para sa pamilya o magbabarkada na magbabakasyon rito.

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

At para naman sa mga bata, ay may playground rin rito kung saan malaya silang makakapaglaro. Ipinakita rin ni Chito ang tree house kung saan nakalagay ang mga laruan ng kanyang anak na si Miggy.

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

May tambayan ring nakahanda sa mga bakasyunita kung saan ay talagang makakapag-relaks habang masayang nagbabakasyon.

Sa huling bahagi ng video, ay nagkwento naman si Chito kung paano nila naisipang itayo ang rest house. Ayon kay Chito, ay taong 2014 nang mabili nilang mag-asawa ang lupa at ang may ideya talaga na gawing bahay bakasyunan ito, ay ang asawa niyang si Neri. Ngunit, ayon kay Chito, ay hindi naging madali ang lahat, kung kaya’t kailan nilang kumayod ng husto para maipatayo ang rest house.

Photo credits: Chito Miranda | Youtube Channel

Pagbabahagi pa ni Chito, ay ito ang kauna-unahang investment nilang mag-asawa na talagang naghati sila sa gastos. At ngayon nga, ay kitang-kita naman kung gaano ito kaganda, na tiyak na papatok ito sa mga bakasyunista.

Ang rest house nga na ito ay bunga ng tiyaga at pagsisikap nilang mag-asawa. Tunay nga, na kapag nagtulungan at may iisang hangarin ang magkasama sa buhay, ay tiyak na may maganda itong bunga.

error: Content is protected !!