Connect with us

Entertainment

Chito Miranda, Ipinasilip Ang Bago Nilang Negosyong Restaurant Sa Tagaytay Na Tinawag Na Amare La Cucina

Ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig ay patuloy na pinapahanga ang publiko pagdating sa kanilang pagiging wais at madiskarte sa paghawak ng pera at mga negosyo. Hindi lamang nga isang negosyo ang meron ang mag-asawang Chito at Neri, dahil habang tumatagal nga ay parami nang parami na ang pagmamay-ari nilang negosyo.

CREDITS: Chito Miranda| YT

Talaga namang dapat hangaan at kapulutan ng leksyon at inspirasyon ang mag-asawang Chito at Neri dahil sa kanilang pagkakaisa at pagtutulungan ay marami nang pangarap ang kanilang natupad para sa kanilang pamilya.

CREDITS: Chito Miranda| YT

Ngunit, hindi naman natatapos ang patuloy na pagtupad sa pangarap ng mag-asawa dahil patuloy nilang pinapalago ang kanilang mga negosyo. Kamakailan lamang nga, ay isa na namang bagong negosyo ang masayang binuksan ng mag-asawa sa publiko.

CREDITS: Chito Miranda| YT

Sa isang vlog na mapapanood sa YouTube channel ng bokalistang si Chito, ay ipinasilip niya ang bagong tayong negosyo nila ng kanyang misis na si Neri. Ito nga ay ang Amare La Cucina na isang Italian restaurant na matatagpuan sa Tagaytay.

CREDITS: Chito Miranda| YT

Habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan patungo sa kanilang bagong negosyong restaurant, ay naikwento ni Chito kung paano nangyari, at nagpasya silang mag-invest sa Amare La Cucina. Kwento nga ni Chito, ay nakilala nila ang may-ari ng Amare, na kung saan nga ay mas bata sa kanila ni Neri. At sa kanilang pagkukwentuhan ay naikwento ng mag-asawa na talagang masugid silang tagahanga ng gawang pizza ng Amare kung saan napakasarap na lutong wood fired pizza ang hatid sa mga customer.

CREDITS: Chito Miranda| YT

Habang sila’y nag-uusap, ay napag-alaman na naghahanap pala ang mga ito ng lokasyon na malapit sa city proper ng Tagaytay para pagtayuan ng isa pang branch. At hindi na nga sila nagdalawang isip na mag-invest sa itatayong bagong branch ng Amare.

CREDITS: Chito Miranda| YT

Kasama nga ang kanyang mga business partners, ay naghanap sina Chito ng lokasyon kung saan itatayo ang bubuksan nilang restaurant. Nakakita naman sila ng isang magandang lokasyon na katabi umano ng Twin Lakes, at ito nga ay isang lumang bahay na kanilang pinarenovate para gawing isang napakagandang restaurant.

CREDITS: Chito Miranda| YT

At bago nga ang araw ng opening ng Amare Tagaytay, ay ipinasilip ni Chito sa kanyang vlog ang loob nito. Makikita ang malawak na parking lot sa labas nito na malaking kapanatagan para sa kanilang nga customer para hindi na problemahin ang parking space. Pagpasok naman sa loob ay makikita ang malawak na espasyo kung saan nakahilira ang mga lamesa at mga upuan.

CREDITS: Chito Miranda| YT

Ang nasabing restaurant ay may 3 palapag kung saan nga, maliban sa mga lamesa na bukas para sa lahat, ay may inilaan ring private rooms. Ipinasyal nga ni Chito ang kanyang mga viewers sa bawat palapag. Hindi lamang napakaganda ng ambience ng lugar, dahil sa veranda nito ay mas lalo pang mag-eenjoy at makakapagrelaks ang mga customer habang kumakain sa napakagandang tanawin na hatid ng malawak na kabundukang makikita dito.

CREDITS: Chito Miranda| YT

Proud na proud naman talaga si Chito sa isa na namang negosyo na kanilang binuksan. At tiyak na sa darating pang mga buwan, ay gugulatin na naman ng mag-asawang Chito at Neri ang publiko sa panibago na namang negosyo.

error: Content is protected !!