Connect with us

Entertainment

Chito Miranda, Ibinahagi na Bukas na sa Publiko ang kanilang Bahay-bakasyunan nila ng Kanyang Asawang si Neri sa Cavite Para Rentahan

Ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig, ay kilala na ng publiko bilang madiskarte at masipag pagdating sa pagnenegosyo. Noong nakaraang taon nga, matatandaan na maliban sa kanilang iba’t ibang klaseng negosyo, ay ipinagawa rin ng mag-asawa ang isang rest house na matatagpuan sa Alfonso, Cavite, at kamakailan nga ay inanunsiyo ng mag-asawa na bukas na ito sa publiko upang rentahan.




Noong nakaraang taong 2020, ay ipinasilip na ni Chito sa publiko ang loob ng kanilang bahay-bakasyunan habang ito’y pinapagawa . At ngayon nga ay natapos na ang pagsasaayos rito, at maaari nang rentahan ng magbabarkarda, pamilya o sinumang nais magbakasyon at magrelax. Maliban rito, ay bukas rin ang napakagandang “Miranda’s Resthouse” para sa mga taong naghahanap ng lugar na pagdarausan ng mga okasyon.

Samantala, nagbigay rin ng virtual tour si Chito sa kanilang rest house, kung saan masisilayan ang ganda at lawak nito. Bukod nga sa playground para sa mga bata, ay may swimming pool rin ito. Ang Miranda’s Rest house naman ay may apat na kwarto para sa mga nais magbakasyon rito. Ang dalawang silid nga, ay ang maters bedroom na kasya ang dalawa hanggang apat na tao. At ang ibang silid naman ay para naman sa magbabarkada kung saan ay kasya naman sa loob ang apat hanggang anim na tao.

“Gusto ko lang po i-share sa inyo yung laman ng aming resthouse, para makita [ninyo] kung anong meron, at kung ano ang mga pwede [ninyong] gawin if ever matripan nyo maki-stay at makibakasyon dito sa resthouse namin. Opo…pwede nyo na po i-rent starting this [February],” ani Chito sa kanyang Facebook post.


Napakaganda rin at nakakarelax sa loob ng bawat silid, dahil bukod sa malamig at preskong pakiramdam na hatid ng aircon, ay may malaking smart TV rin ito para sa mga nais manood ng telebisyon, o kaya naman ay manood ng mga pelikula.

Para naman sa mga batang nais mag-enjoy na tulad ng anak ng mag-asawa na si Miggy, ay may ipinagawa ring tree house at playground sina Chito at Neri. Tiyak naman na mag-eenjoy ang sinumang bibisita sa kanilang resthouse. Pinakiusapan naman ni Chito ang mga batang maglalaro sa playground na ingat ang mga makikitang laruan na naroon na pagmamay-ari ng kanilang anak na si Miggy.




May malawak rin itong pavillion na pwedeng pagdausan ng anumang okasyon. Ang nasabing rest house na ay kompleto na ang kagamitan para sa isang masayang bakasyon at okasyon.

Samantala, ibinahagi rin ni Chito ang halaga ng bawat silid, hanggang sa presyo ng kabuuang rest house kapag uupahan ito para sa okasyon.

Pwede kayo mag-rent ng isang room for P5,000, or pwede nyo din i-rent yung all 4 rooms for P20k para walang ibang guests kundi kayo, at para wala kayong kahati sa pool haha!…You could rent the entire place, including the pavilion/events place for P50k.”

Pakiusap naman ni Chito sa mga taong uupa sa kanilang rest house na ingatan at alagaan rin itong mabuti, katulad kung gaano nila itong iniingatan at inaalagaan.

error: Content is protected !!