Connect with us

Entertainment

Child Star na si Ryzza Mae Dizon Pinagbigyan ang Kanyang mga Tagahanga na Ipasilip ang Kanyang Bahay na Naipundar para sa Pamilya sa Isang House Tour

Ang cute at bibong bata na nakilala natin sa segment ng Eat Bulaga na Little Miss Philippines na si Ryzza Mae Dizon, ay napakalaki na ng nabago sa kanyang buhay. Ang tagumpay na tinatamasa ngayon ni Ryzza, o kilala rin bilang Aleng Maliit, ay bunga ng kanyang sipag at tyaga sa trabaho.




Photo credits: Ryza Dizon | IG

Dahil nga sa kanyang kacutan at pagiging bibo na taglay ang kahanga-hangang talento, ay talagang pinatunayan ni Ryzza ang kanyang husay. Kung kaya’t, bumuhos ang napakaraming proyekto sa karera ni Ryzza sa showbiz, mapapelikula man o telebisyon. Kabilang na nga rito ang sarili niyang programang The Ryzza Mae Show, Eat Bulaga!, at Vampire Ang Daddy Ko. Hinangaan rin ang husay ni Ryzza sa pag-arte sa blockbuster movie na My Little Bossings. Maliban rito, ay may mga endorsement rin si Ryza gaya na lamang ng Mister Donut at El Real brand pasta.

Sa dami nga ng proyekto ni Ryzza, ay hindi nakapagtataka na sa murang edad niya, ay nakapag-ipon siya ng sapat upang makapagpundar ng isang napakagandang bahay sa edad na 15 taong gulang.

Photo credits: Ryza Dizon | IG

At kamakailan nga, sa vlog na mapapanood sa Youtube channel ni Ryzza, ay ipinasilip niya ang 3-story house na bunga ng kanyang pagsisikap. Ayon pa nga rito, ay matagal na umano itong hiling ng kanyang mga tagahanga. Kaya naman, sa pagkakataong ito, ay binigyang katuparan na niya ang kahilingan ng mga ito.




“Dahil lagi kong nakikita IG ko na nagko-comment kayo na, ‘Ryzza, house tour naman diyan. House tour sa YouTube mo please’. Heto na po, Dabarkads. Magha-house tour na po tayo, finally.”

Makikita nga sa video na napakalawak at maaliwas tingnan ang loob ng bahay ni Ryzza, na may disenyo ng kombinasyon ng kulay itim at puti. Pagbungad nga sa living room, ay talagang ramdam na ang magandang ambience ng lugar. Dito makikita ang mga nakadisplay niyang trophies at iba pang natanggap na parangal.

Photo credits: Ryza Dizon | Youtube

Photo credits: Ryza Dizon | Youtube

Photo credits: Ryza Dizon | Youtube

Samantala, masisilayan sa kabuuan ng bahay ni Ryzza ang modernong disenyo na talaga namang bagay na bagay sa napiling tema ng bahay. Ang bawat kagamitan ay maayos na nakalagay sa kanilang mga pwesto. Makikita naman na dahil sa tema ng bahay, ay sadyang napakalinis nitong tingnan.

Photo credits: Ryza Dizon | Youtube

Photo credits: Ryza Dizon | Youtube




Pagbabahagi pa nga ni Ryzza, ay ang nanay niyang si Rizza ang nakakita at nagdisenyo ng kanilang bahay. Dahil nga nabili ang bahay ng walang anumang kagamitan at disenyo ay halos araw-araw umano itong pumupunta sa furniture store upang bumili ng mga gamit at ilalagay na disenyo sa loob ng bahay.

Photo credits: Ryza Dizon | Youtube

Tila naman may taglay na talento ang Mommy Rizza ni Ryzza, dahil ang lahat ng pagod at hirap nito sa pagdidisenyo ng kanilang bahay ay nagbunga. Makikita nga, na sadyang napakaganda ng bahay na may modernong disenyo na angkop at nauuso ngayon.

error: Content is protected !!