Connect with us

Entertainment

Child Aktres na si Xia Vigor, Tagapag Mana ng kanyang Ama ng 14 na Bahay sa England

Marami ang talagang giliw na giliw sa masayahin, bibo at talentadong child star na si Xiamara Sophia Vigor o mas kilala ng kanyang mga tagahanga sa tawag na Xia. Ang 12 taong gulang na si Xia ay isang Filipino-British child star na mas nakilala sa noontime show na It’s Showtime matapos maging Grand winner sa segment na “Mini Me 2”. At dito nga ay ipinamalas ni Xia ang kanyang talento bilang mini me ng hollywood singer na si Selena Gomez.

Hindi naman na nakapagtataka kung si Xia ang itinanghal na grand winner dahil hindi lamang husay sa pagsayaw ang kanyang angking talento kundi kahanga-hanga rin ang kanyang husay sa pagkanta.

Bukod naman sa kanyang talento ay taglay rin ni Xia ang magandang mukha na talaga namang hahangaan ng marami. At ang kanyang magandang katangian ay namana niya sa kanyang gwapong ama. Ngunit, hindi lamang nga ito ang namana ni Xia mula sa kanyang ama, dahil tagapagmana rin siya ng mga ari-arian ng kanyang ama. Kabilang na nga rito ang 14 na magaganda at naglalakihang bahay sa England.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xia Vigor (@xiabernardo)

Tila nga napakapalad ni Xia dahil sa murang edad nga ay isa na siyang heredera ng kanyang ama. At ayon nga sa batang aktres, ay siya ang magmamana ng magagandang bahay na ito mula sa kanyang ama. Talaga namang kahanga-hanga si Xia, dahil bukod sa kanyang namamayagpag na karera sa murang edad nga ay isa na siyang tagapagmana ng mga ariarian ang kanyang ama sa England.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xia Vigor (@xiabernardo)

Matatandaan naman na unang nasilayan ng publiko si Xia matapos maging kalahok sa Your Face Sounds Familiar: Kid Season 2 kung saan ay ginaya niya ang hollywood singer na si Taylor Swift. Matapos ipamalas ang kanyang talento sa pag-awit, ay tuluyan na ring pinasok ni Xia ang mundo ng showbiz kung saan nagkaroon siya ng mga proyekto katulad na lamang nga ng “Langit, Lupa”.

Nakatanggap rin ng parangal si Xia bilang youngest Box Office Queen in the Philippines sa naganap na 51th GMMSF Box-Office Entertainment Awards. Siya rin ang first Child Ambassador ng Habitat for Humanity,WWF Youth Advocate.

Samantala, sa gitna ng pandemya kung saan apektado ang karera ng mga artista, ay hindi naman nagkulang si Xia sa pagbibigay ng updates sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang mga nakakatuwang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel.

Sa ngayon nga, ay patuloy na dumarami ang tagahanga ni Xia lalo na’t taglay niya ang kahanga-hangang talento na hinahangaan at kinagigiliwan ng marami. Sa kanyang taglay na ganda at talento, ay tiyak na malayo ang mararating niya sa industriya ng showbiz.

error: Content is protected !!