Connect with us

Stories

Cherry Pie Picache, Sinagot ang Komento ng Isang Netizen sa Larawan Nila ng Kanyang Anak na Tinawag Siyang “Cougar”

Ang beteranang aktres na si Cherry Pie Picache ay kilala na sa industriya ng showbiz. Kaya naman, parang bukas na libro na rin ang buhay niya sa publiko. At kadalasan nga, ay ibinabahagi niya social media ang mga kaganapan sa buhay niya.

Dahil sa pagbibigay niya ng update sa social media, ay marami sa kanyang mga tagahanga ang natutuwa na kung saan ay nagbibigay ng mga positibong komento. Sa kabila nito, ay may ilan din namang tila hindi nasisiyahan, at nagbibigay ng mga negatibong komento patungkol sa aktres. Ang mahusgahan nga ng ibang tao, ay parte na sa buhay ng isang artista, at hindi rito nakaligtas ang beteranang aktres na si Cherry Pie.




Nito lamang ika-6 ng Enero, araw ng Miyerkules, ay nagbahagi sa kanyang Instagram si Cherry Pie ng mga larawan habang nasa beach ng Boracay kung saan makikita na may kasama siyang gwapo at matipunong lalaki.

Nilakipan naman ito ng 50-taong gulang na aktres ng caption na:

“Love building memories with this man @niotria.”

Agad na nakaagaw ng pansin ang nasabing post ni Cherry Pie sa mga netizens. At isang netizen nga ang agad na nagkomento nang may panghuhusga sa aktres kung saan tinawag itong “cougar” na ibig sabihin ay may edad na babae na pumapatol sa mas batang lalaki.

“You “cougar” you! Good for you. Enjoy life to the fullest,”saad ng netizen.

Ngunit, sa halip na magalit ay mahinahong sinagot at ipinaliwanag ni Cherry Pie na hindi niya karelasyon ang lalaking kasama sa litrato, kundi ay kanyang anak na tinawag niyang “only man in my life”.

“He is my son and the only man in my life.”




Dahil dito, ay nalaman ng netizen ang kanyang pagkakamali at agad na humingi ng paumanhin sa aktres.

Aniya,“@yescppicache i am very sorry for my wrong interpretation. Sorry again. May God continue to bless you both with endless love and togetherness. I have been your fan forever due to your beauty and spirituality.”

Ang gwapong binata na kasama ni Cherry Pie sa larawan ay si Antonio Tria o kilala bilang Nio na anak niya sa kanyang partner na si Gary Tria. At base sa Instagram post ng aktres noong Enero 7, ay naroon sila sa Boracay upang ipagdiwang ang ika-50 kaarawan ni Gary.

“About last night. To the father of our amazing son, a best friend, and family… Happy happy golden Gary!!! May our good Lord bless your gift of life abundantly!!!”

error: Content is protected !!