Connect with us

Entertainment

Chavit Singson, Pinagkaguluhan Matapos Mamudmod ng Pera Sa Mga Residente Ng Ilocos Sur Gamit Ang Gold Gun

Ikinatuwa ng mga residente ng Ilocos Sur ang biyayang dumating sa kanila matapos mamudmod ng limpak-limpak na salapi sa kanyang mga kababayan ang Mayor ng Narvacan na si Chavit Singson.

Photo Credits to the Owner

Kilala na si Luis Crisologo Singson o mas kilala ng lahat bilang si Chavit Singson bilang isa sa pinakakilala at pinakamayamang politiko sa bansa na nagmula sa Ilocos Sur. Ang kanyang taglay na yaman nga ay talagang kahanga-hanga kung saan ay napakaraming properties at maging negosyo.

Photo Credits to the Owner

Sa kabila naman ng taglay niyang kayamanan ay hindi siya nakakalimot na ibahagi sa iba ang biyayang kanyang natatanggap. At kamakailan lamang nga, ay pinagkaguluhan ng mga residente ng Ilocos si Chavit matapos mamudmod ng limpak-limpak na salapi gamit ang isang gold gun.

Photo Credits to the Owner

Matapos ibahagi sa kanyang official Facebook account ang video kung saan makikitang nagpapaagaw ng pera ay agad itong nagviral sa social media. Makikita kasing gamit ang isang gold gun na bumubuga ng perang nagkakahalaga ng 100, 500 sa kanyang mga kababayan na kanyang pinamumunuan. At dahil nga sa pagpapaagaw niya ng pera ay hindi maiwasan ng mga tao ang magsigawan at magkagulo. Ang iba pa nga ay nagkakandarapa pa para lamang makakuha ng pera.

Hindi nga maiwasan ng mga netizens ang magbigay ng komento matapos mapanood ang video. Tila nga isang action movie ang nasaksihan ng netizens, ngunit imbes nga na bala ng baril ang lumabas sa hawak na baril ni Chavit ay limpak-limpak na pera ang lumalabas sa kanyang gold gun.

Makikitang umakyat pa ng sunroof ng kanyang sasakyan na Hummer si Chavit at hinila ang gatilyo ng baril. Ang mga residente naman ay makikitang nakaabang sa malalaglag na pera mula sa gold gun na hawak ng politiko.

Photo Credits to the Owner

Hindi naman nakaligtas sa mata ng mga netizens ang ginawa ni Chavit. Magkahalong reaksyon nga ang naging komento ng mga netizens na kung saan ay may natuwa at mayroon rin namang hindi nagustuhan ang ginawa ni Chavit.

“Sana all.”

“Sana ibigay nang maayos.”

“Ginawang timawa ang mga tao.”

“Panis si Pacquiao.”

Photo Credits to the Owner

Dinepensahan naman ng mga kaalyado ni Chavit ang kanyang pamumudmod ng pera. Hindi daw dapat batikusin ang paraan nito ng pamamahagi ng pera sa mga tao dahil katuwaan lamang ito. At dahil nga namamayani ang diwa ng kapaskuhan at pagbibigayan ay nais lamang raw ni Chavit na bigyan ng kaligayahan ang mga taong kanyang nasasakupan sa pamamagitan ng pagpapaagaw ng pera.

Ang papaulan ng pera ni Chavit sa mga residente ng Ilocos Sur ay naganap nito lamang ika-28 ng Disyembre sa paggunita ng Niños Inocentes o Feast of the Holy Innocents.

error: Content is protected !!