Connect with us

Entertainment

Certified Daddy na si Jhong Hilario, Matapos Isilang ng kanyang Longtime Girlfriend ang Kanilang Baby Girl na Pinangalan nilang Sarina

The wait is over, para kay sample king Jhong Hilario matapos isilang ng kanyang long time girlfriend na si Maia Leviste Azores ang isang napaka cute na baby girl na pinangalanan nilang Sarina. Sabado ika-27 ng Marso 2021, ibinahagi ni Jhong Hilario ang larawan ng kanilang bagong silang na sanggol na si Baby Sarina, umapaw ang pagbati mula sa kapamilya at malalapit na kaibigan ni Jhong Hilario, pati narin sa kanyang mga Fans.

Sa kanyang naging instagram post ibinahagi ni Jhong ang larawan ng kanyang munting Prinsesa na may caption na,

“Hello my LOVE!!! [heart emojis] #Sarina #SamplePrincess.”

Isa sa mga malalapit na kaibigan ni Jhong Hilario na nagpabatid ng pagbati ay ang kanyang mga co-host sa it’s showtime na sila Amy Castillo at Ted Corpuz.

Matatandaan nga na last year November 2020, ibinahagi ng mag kasintahan na magkakaroon sila ng baby na nagbigay kasiyahan at excitement sa kanilang mga kaibigan at fans. Ibinahagi nga ng couple sa kanilang instagram account ang mga larawan nila sa beach kung saan makikita ang kasweetan ng dalawa sa ilalim ng init ng araw habang makikita ang baby bump ni Maia.

Mahigit 9 na taon narin na magkarelasyon  si Jhong at si Maia at ngayong mayroon na silang napaka cute na baby girl, siguradong mas papatibayin pa nito ang kanilang pagsasama at mas mamahalin ang isat-isa.

Matatandaan na bago maging magkarelasyon si Jhong at si Maia ay galing si Jhong sa isang breakup kung saan naghiwalay sila ng dati nitong asawa na kanyang pinakasalan na si Michelle Westgate na ibinahagi nga ni Jhong noong 2011.

Isa si Jhong Hilario sa mga pinaka sikat na artista ngayon kung saan una syang sumikat bilang miyembro ng sikat na dance group na street boys. Mas lalo naman syang sumikat noong pinasok nya na ang showbiz at ng maging host sya ng It’s Showtime kung saan kasama nya ang ilan sa mga bigatin ding artista, komedyante at host.

error: Content is protected !!