Connect with us

Showbiz

Cellphone ni Billy Crawford Ninakaw Habang Siya ay Nagaayos ng Kanyang Sasakyan

Published

on

Kamakailan lang ay nagbakasyon sila Billy Crawford at ang kanyang asawa na si Coleen Garcia sa Dubai at masaya at ligtas silang nakauwi sa Pilipinas.



Ayon sa mag-asawa ay sobra silang nagenjoy sa kanilang bakasyon lalo na at nasulit nila ito dahil narin sa marami silang nagawa at napuntahan sa Dubai. Ayon kay Coleen ay nasasabik na ulit silang bumalik sa Dubai para makumpleto ang listahan nila ng mga dapat gawin habang sila ay nasa Dubai.

Photo credits: Coleen Garcia Instagram

Ngunit ang saya na kanilang nararamdaman ay pansamantalang napalitan ng inis at lungkot ng ibalita ni Coleen na ang cellphone ni Billy ay nanakaw sa Pasig City.

Ayon kay Collen kakauwi lang nila ng Pilipinas ng maflat ang gulong ng sasakyan ni Billy kaya naman inayos nya ito. Ginamit ni Billy na pang ilaw sana ang kanyang cellphone, ngunit madaming bata ang lumapit at marahil ay ito narin ang kumuha ng cp ni Billy.

Photo credits: Coleen Garcia Instagram

Kahit pilitin man ni Billy na hindi sana ito makaapekto sa kanila ay mahirap pa din daw lalo na at kakabalik lang nya sa kanyang bakasyon at halos lahat ng contacts ng kanyang mga katrabaho ay nasa kayang cellphone.

Photo credits: Billy Crawford Instagram

Sa huli ay wala na din silang nagawa kundi maging positibo nalang lalo na si Coleen na syang nagpapalakas ng loob ni Billy. Ayon sa kanya kapag masaya ang isang tao dito gumagawa ng paraan ang demonyo para sirain ang kasiyahan mo. Kaya naman dapat laging tama ang ginagawa mo o nasa tamang landas ka kaya naman imbis na magreklamo sa nangyari ay magpasalamat nalang sa lahat ng mga bagay na nangyayari sa kanila buhay. Ayon pa sa kanya na ang Dyos nalang ang bahala sa mga taong kumuha ng cp ni Billy at sa kanila na din.



Talaga namang nakakahanga ang pagiging positibo ni Coleen sa nangyari sa cp ni Billy, tama naman talaga ang sinabi nya na bahala na ang Dyos sa mga masasamang tao.

error: Content is protected !!