Connect with us

Entertainment

Celebrity Doctor na si Dra.Vicki Belo, Inalala ang Panahong Iniyakan Niya ang Paboritong Hermes Bag Matapos Itong Manakaw

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami ang taglay na yaman ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo. Bilang isang mahusay na doktor at kilalang personalidad sa showbiz, ay talaga nga namang isa siya sa mga hinahangaang personalidad ng publiko.

Maliban sa kanyang talento at husay bilang isang doktor, ay hindi rin papahuli si Dra. Vicki Belo pagdating sa fashion na kung saan ay talaga nga namang mamahalin lahat mula sa kanyang mga kasuotan at mga bag.




At isa nga sa nagbibigay ng kaligayahan sa kanya, ay ang pangongolekta ng mga Hermes bag. Sa mahabang panahon na pangongolekta, ay hindi maikakakaila na napakarami na niyang naipong bag. Sa loob nga ng 20 taon pangongolekta ng Hermes bag, ay mayroon na si Dra. Vicki Belo ng mahigit 30 Birkin at Kelly sa kanyang mga koleksyon.

Nito lamang ika-28 ng Enero, ay ipinasilip ni Dra. Vicki Belo sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel ang kanyang walk-in closet na nag-uumapaw sa dami ng laman.

Habang ipinapakita ni Dra. Vicki Belo, ang naggagandahan at mamahaling koleksyon ng kanyang bag, ay hindi niya maiwasan ang magbalik-tanaw nang siya’y mapaiyak matapos manakaw ang paborito niyang Birkin bag.

Ayon sa kwento ni Dra. Vicki Belo,“Actually, yung pinaka-favorite ko nawala, ninakaw. I don’t know who got it. But it was black on black, it was a very special edition. It didn’t even have an orange box. It had a black box. It was matte.”

Habang tinuturo ang zipper, lock, chain, at buckle, isang bag’s hardware, ay inilarawan niya ang hitsura ng nawalang bag na limited edition.

“Pati ito black. Everything was black. It was one of a kind collector’s edition.”

Saka na lamang nga niya nalaman na nawawala ang paborito niyang bag, matapos ang ilang buwan nang kanyang buksan ang kahon. Ganun na lamang nga ang kanyang pagkadismaya nang madiskubre, na wala roon ang itim na bag at isang puting bag ang naroon. Kaya naman, hindi napigil ng celebrity doctor ang mapaiyak.




“When I opened the box a few months ago, that black bag was gone. Yung box nandun pero dun sa loob ng box is a white bag, which wasn’t the right bag. Yeah, I cried.”

Samantala, base sa paglalarawan ni Dra. Vicki Belo, ang bag na nawala ay isang Birkin So Black na ini-launch noong 2010, taon kung kailan bumaba sa pwesto bilang brand creative director si Jean Paul Gaultier matapos ang pitong taon.

Ayon naman sa saclab.com, isang Germany-based online shop ng mga pre-loved luxury bags, ay nahinto umano ang paggawa ng nasabing bag dahil sa mga ulat ng “hardware chipping emerged”.

Pagdating naman sa halaga ng nasabing bag, ay hindi ito biro. Ayon nga sa CollectorSquare.com, isang Paris-based online shop, ang isang So Black Birkin 30 ay maibebenta sa halagang USD41,828 o katumbas ng PHP2 million sa Christie’s Hong Kong, isang kilalang house auction sa buong mundo.

error: Content is protected !!