Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Ipinasilip ang Kanilang Panandalian Ngunit Masayang Bakasyon sa Boracay

Napakasarap naman talagang ipagdiwang ng kapaskuhan kasama ang mga mahal sa buhay. At ang espesyal na araw nga na ito, ay sinasamantala ng bawat pamilya upang magsama-sama at magkaroon ng masayang bonding. Kung ang ilan nga, ay sama-sama sa loob ng kanilang tahanan, may ilan namang mas piniling magbakasyon sa mga magagandang lugar upang doon mag-relax.




Katulad na lamang nga ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, na bago sumapit ang araw ng pasko, ay lumipad patungo sa napakagandang isla ng Boracay kasama ang kanilang mga anak na sina Zion at Kai upang magkaroon ng panandaliang bakasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Tila nga, nakahanap ng pagkakataon ang mag-asawa upang makapag-relax at mag-alis ng stress sa kanilang panandalian ngunit masayang bakasyon. Sa haba nga ng panahong abala sa kani-kanilang trabaho at pinagkakaabalahan, ay tila ito na nga ang pinakahihintay nilang pagkakataon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

At kamakailan, ay masayang ibinahagi ng mag-asawang Sarah at Richard sa kani-kanilang Instagram account sa pamamagitan ng mga larawan at video ang naging kaganapan sa kanilang bakasyon sa Boracay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Makikita nga na talagang enjoy na enjoy ang bawat isa sa kanilang bakasyon kung saan ay nagkaroon sila ng iba’t ibang activity. Hindi naman maikakaila ang ka-sweetan ng mag-asawang Sarah at Richard sa mga kuha ng larawan. Samantalang si Sarah naman ay tila walang dalawang anak dahil sadyang napakaseksi at napakaganda pa rin ng hubog ng kanyang katawan sa suot na swimsuit.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)


Pahayag naman ni Sarah sa kanyang Instagram post, ay napakasarap sa pakiramdam na makasama ang pamilya upang magkaroon ng masayang bonding matapos ang mahabang panahong hindi pagkakasama.

“After so many times of being away from each other for more than a month, working away from each other, online home schooling and just 2020 … Feeling grateful and blessed to be able to spend much needed quality time together in the sun with my love.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Ipinahayag rin ni Sarah sa kanyang post ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang asawang si Richard.

“I love you, mon amour. Thank you for all the sacrifices and for everything that you do for Zion, Kai & I. ”

Samantala, base naman sa kanilang Instagram post, ay kasama rin nila sa nasabing bakasyon ang kambal ni Richard na si Raymond, kapatid niyang si Ruffa Gutierrez, at anak nitong si Lorin.

error: Content is protected !!