Connect with us

Uncategorized

Celebrity Couple na Sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Sweet na Sweet sa Kanilang Pagbisita sa Piano Scene Location ng Sikat na K-Drama na Crash Landing On You

Kakaibang kilig ang hatid ng mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kanilang mga tagahanga matapos ibahagi ang kanilang sweet photo na kuha sa piano scene ng sikat na Korean drama na Crash Landing On You.

Isa sa mga hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz ay ang mag-asawang sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na talaga namang bagay sa isa’t isa. Ang kanilang matamis na pag-iibigan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong March 2020 na mas lalong binigyang saya at kulay ng kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Hindi lamang ang maganda at matibay na samahan ng mag-asawa ang hinahangaan ng publiko kundi pati na rin ang masaya at puno ng pagmamahalan nilang pamilya kasama ang kanilang dalawang anak.

Samantala, ang mag-asawang Sarah at Richard, ay tila hindi kumukupas ang pagmamahal sa isa’t isa dahil sa kabila ng mahabang panahon nilang pagsasama ay ramdam na ramdam parin ang wagas na pag-ibig at kilig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

At kamakailan lamang nga, habang nakabakasyon sa Switzerland matapos ang pagsunod ni Richard sa kanyang mag-iina, ay talagang sinulit ng dalawa ang sandali para magkaroon sila ng quality time. Sa muli nilang pagsasama ay hindi pinalampas ng mag-asawa ang bawat sandali para mag-enjoy. At isa nga sa naghatid ng saya kay Sarah, ay matapos tuparin ng kanyang asawang si Richard ang pangarap na makarating sa sikat na tourist spot sa Switzerland kung saan nga kinunan ang piano scene ng Korean drama na Crash Landing On You.

Sa isang larawan na ibinahagi ni Sarah sa Instagram, ay tila nga nasa eksena sila ng CLOY sa ganda ng background na masisilayan sa Lake Breinz sa Interlaken sa Switzerland habang silang magkayakap at nakatitig sa isa’t isa.

Nilakipan naman ito ng caption ni Sarah na hango sa mga kataga mula sa CLOY na nagsasabing

“ Sometimes the wrong train takes you to the right direction.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Ayon pa sa celebrity mom, ay hindi naging madali bago nila mahanap ang napakagandang spot na talaga namang taglay ang “breathtaking view” sa Interlaken.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Makikita naman kung gaano ka suportado ng kanyang asawang si Richard ang kanyang mga nais gawin at puntahang lugar sa Switzerland na para nga sa aktres ay “dream come true”.

“Literally got lost many times today trying to look for this breathtaking place. Chard had no choice but to tag along in making my CLOY dream come true! We finally found this place.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

Dahil nga sa nag-uumapaw na kasweetan ng mag-asawa sa naturang larawan, na sinamahan pa ng napakagandang view ay hinangaan at kinakiligan ito ng kanilang mga tagahanga na nag-iwan pa ng komento sa nasabing post ni Sarah.

error: Content is protected !!