Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na sina Meryll Soriano at Joem Bascon, Nagkaroon ng Simpleng Selebrasyon Para Ipagdiwang ang Ika-9 Months Old Birthday ng Kanilang Anak

Ginulat ng aktres na si Meryll Soriano ang publiko matapos mapabalitang nagkabalikan sila ng kanyang boyfriend na si Joem Bascon. Ngunit, sa pagkakataong ito, ay hindi lamang pag-ibig nila sa isa’t isa ang muling nabuo, dahil nakabuo na rin sila ng kanilang sariling pamilya.

Credits: Merylle Soriano | IG

Kasabay nang pagdiriwang ng New Year’s Eve para salubungin ang taong 2021, ay isang rebelasyon ang isiniwalat ni Meryll sa publiko. At ito nga ay ang pagbabalikan nila ni Joem at pagkakaroon nila ng isang anak na lalaki na ayon kay Meryll ay plinano talaga nila ang magkaroon na ng baby.

Matatandaan na unang naging magkarelasyon sina Meryll at Joem noong 2008, ngunit agad itong natuldukan.

Credits: Merylle Soriano | IG

Sa muli nilang pagsasama sa isang proyekto noong 2019 ay muling nanumbalik ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa. Ngayon nga, ay masaya na silang nagsasama kapiling ang kanilang napakacute na anak na nagsisilbi nilang bundle of joy.

Hindi naman nagkukulang sina Meryll at Joem sa kanilang anak, dahil sa kabila ng kanilang pagiging abala, ay ginagampanan nilang mabuti ang kanilang responsibilidad bilang ulirang mga magulang sa kanilang anak. Sa katunayan nga nito, sa bawat milestone ng kanilang napakacute na baby ay nakasubaybay sila.

Sa hindi namalayang paglipas ng panahon, ang bunga ng pagmamahalan nina Joem at Meryll na isang sanggol na lalaki, kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-9 na buwang kaarawan. At para ipagdiwang ang ika-9 months ng kanilang anak, ay nagkaroon sila ng simple ngunit masayang selebrasyon sa loob ng kanilang tahanan.

Credits: Merylle Soriano | IG

Makikita sa ilang larawang ibinahagi ni Meryll sa kanyang Instagram account, ang selebrasyon ng monthly celebration ng kanilang baby. Sa isang set ng litrato makikita ang masayang pamilya ni Meryll. Sa nasabing larawan, ay makikita sina Meryll at Joem kasama ang panganay na anak ni Meryll na si Elijah at kanilang 9 months old baby na nakasuot ng pareho-parehong kulay green na damit.

Sa isa namang larawan, ay makikitang kasama nina Meryll ang kanilang pamilya kung saan nga ay karga ng aktres ang kanyang napakacute na baby. Sa nasabing larawan ay makikitang iboblow ng aktres ang kandila sa cake ng kanyang bunsong anak.

Credits: Merylle Soriano | IG

Bagama’t, inanunsiyo ni Meryll sa publiko ang mga kaganapan sa personal niyang buhay, ay hindi naman nabanggit ng aktres ang eksaktong detalye tungkol sa kanyang bunsong anak, tulad na lamang ng kapanganakan nito at pangalan nito.

Sa ngayon ay makikitang madalas ibahagi ni Meryll sa social media ang bonding moments nilang mag-ina. At ilan pang masasayang kaganapan sa buhay ng kanyang pamilya, katulad na lamang nga nang makita ng kanyang amang si Willie Revillame ang apo nito. Unforgettable moments rin ang pagkikita ng anak ni Meryll at ng kanyang tiyahin na si Maricel Soriano.

Sa pagdating ng bunsong anak ni Meryll sa kanilang buhay ay hindi naman talaga maikakaila na mas lalong nabigyan ng kulay at kaligayahan ang kanilang pamilya.

error: Content is protected !!