Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa, Masayang Sinalubong ang Pagdating ng Kanilang Baby Boy na si Corky

Nasaksihan na nga natin ang journey sa relasyon ng celebrity couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Mula sa kanilang makulay na life love, at pag- aanunsiyo ng kanilang engagement noong nakaraang taon, hanggang sa pagbubuntis ni Nicole sa panganay nilang anak.

Matapos maengaged ng celebrity couple, ay hindi maitatanggi na talagang pinaghandaan nila ang pagdating ng kanilang baby boy na si Corky na noon pa mang nasa tiyan ni Nicole ay may pangalan na. At nito lamang ngang ika-31 ng Enero ay masayang sinalubong ng mag-fiancee ang pagdating ng kanilang panganay na anak.




Sa Instagram, ay proud na ibinahagi ni Mark ang larawan ng kanyang partner na si Nicole, kasama ang bagong silang na si Corky. Sa caption ng post ni Mark, mababasa ang detalye patungkol sa kanilang baby boy na may buong pangalan na Mark Fernando Donesa Herras. Isinilang ni Nicole ang panganay nila ni Mark noong ika-31 ng Enero na may bigat na 7.3 pounds at haba na 53 cm.

β€œName : Mark Fernando Donesa Herras Born : January 31, 2021 Weight : 7.3 lbs Length : 53 cm Hi I’m Corky wasssap!! Very goodjob mammeeeh!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

Sa hiwalay namang Instagram post, ay pinasalamatan ni Mark ang Diyos dahil ligtas at malusog ang kanyang baby boy. Mababakas naman sa caption ng post ni Mark kung gaano niya kamahal ang kanilang panganay na si Corky.

β€œThank you Lord dahil healthy ang bibiboy namin πŸ™ŒπŸ»πŸ™ŒπŸ»πŸ™ŒπŸ» Simula na ng mga sleepless nights pero worth it naman kasi ang tagal naming hinintay si Corky at dahil nandito ka na ngayon gagawin namin ni mammeeeh lahat para sayo!!! Mahal na mahal ko namin Corky to β™Ύ and beyond.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

Unang nagkakilala sina Mark at Nicole sa teleserye ng GMA na Bihag, at ang kanilang pagkakamabutihan ay nauwi sa seryosong relasyon na inanunsyo ni Mark noong Agosto 2019. At noong Hunyo 2020 nga, ay na engaged na ang magkasintahan kung saan ay talagang mahal na mahal ang isa’t isa. Hindi nga nagtagal ay isang biyaya ang dumating sa kanilang buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

Ang pregnancy journey ni Nicole, ay unang inanunsiyo ng mag-fiancee noong Setyembre 2020. At pagsapit nag Disyembre 2020, ay ibinunyag na ng dalawa sa kanilang gender party na ang kanilang baby ay isang baby boy, na agad na pinangalanang Corky.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

Maliban naman sa panganay na anak ni Mark kay Nicole, ay may isa pang anak si Mark. Siya si Ada Sofia Nicolette Herras, na anak ng aktor sa dating handler niya na si Diane Evangelista.

error: Content is protected !!