Connect with us

Uncategorized

Celebrity Couple na Sina Mark Herras at Nicole Donesa, Ikinasal na sa Pamamagitan ng Isang Civil Wedding Ceremony

Ang pangarap na magkasama habang buhay sa kabila ng hirap at ginhawa ay naikasatuparan na ng celebrity couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Nito lamang ika-19 ng Setyembre nang ibahagi sa social media ng Kapuso celebrity couple ang magandang balita sa kanilang mga fans, na sila’y ganap nang mag-asawa.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naisakatuparan sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony. At base sa caption ni Nicole sa kanyang post sa Instagram, ay naganap ang kanilang kasal sa mismong araw ng birthday ni Mama Mary. At ito nga ay noong ika-8 ng Setyembre sa ganap na alas otso ng umaga. Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap sa Quezon City Hall at pinasinayaan ni Mayor Joy Belmonte.

Kalakip ang mga larawan at video sa kanilang civil wedding ceremony, ay nilakipan naman ito ni Nicole ng caption na:

“We tied the knot (heart and infinity emoji) on Mama Mary’s birthday.”

Credits: Mark Herras | IG

Sa Instagram account naman ni Mark, ay ibinahagi rin niya ang ilang larawan na kuha sa kanilang pag-iisang dibdib. Isang maikling caption naman ang kalakip nito, na nagsasabing siya’y kasal na sa kanyang Mrs. Herras.

“Got married Hi Mrs. Herras.”

Samanatala, ibinahagi naman ng newlyweds ang dahilan ng kanilang pagpapakasal. Maliban nga sa dahilang nais nilang magsama nang legal, at isinaalang-alang rin ng dalawa ang kanilang anak na si Corky na magkaroon ng isang masaya at legal na pamilya.

Sa ngayon ay civil wedding ceremony ang naganap nilang pag-iisang dibdib, ngunit sa kabila nito ay nilinaw naman ng celebrity couple ang plano nilang pagpapakasal sa simbahan kapag maayos na ang sitwasyon, at natapos na rin ang nararanasang pandemya ng marami.

Credits: Mark Herras | IG

Hindi naman nakalimutan ng bagong kasal na ibahagi sa kanilang mga fans ang buong kanaganapan ng kanilang pag-iisang dibdib. Ang simple ngunit sagradong seremonya ng kasal nila Mark at Nicole ay dinaluhan lamang ng lima nilang kapamilya. Sa kanilang Youtube channel ay mapapanood ang buong kaganapan ng kanilang pagpapalitan ng wedding vows.

Hindi naman maitago nina Mark at Nicole ang kanilang labis na kaligayahan dahil sila’y ganap nang mag-asawa na handang suungin ang anumang hamon ng buhay sa hirap at ginhawa.

Credits: Mark Herras | IG

“We’re really happy with the simple celebration we did. Kaya kami nagpa-civil wedding na with Mayor Belmonte and our ninongs and ninangs is because we wanted to be legal na. So legal na kaming mag-asawa talaga.”

Marami naman ang nagpaabot ng pagbati kina Nicole at Mark sa kanilang matagumpay na pag-iisang dibdib. At ang hangad nga ng kanilang malalapit na kaibigan sa showbiz, ay magsama sila ng puno ng saya at pagmamahalan.

Sina Mark at Nicole ay biniyayaan na ng isang baby boy na isinilang ni Nicole noong January 31, 2021 na binigyan nila ng pangalang Mark Fernando o si Baby Corky.

Credits: Mark Herras | IG

Congratulations to the newlyweds, Mr. and Mrs. Mark Herras and Nicole Donesa-Herras.

error: Content is protected !!