Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na Sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, Ipinasilip ang Naging Masayang Bakasyon sa Isang Vineyard sa Batangas

Totoong hindi lamang mga beach resorts ang maaaring puntahan ng mga turista dito sa bansa. Napakarami pang ibang pasyalan ang maaaring bisitahin ng mga pamilya at magkakaibigan. Gaya na lamang ito ng isang vineyard na binisita ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola kasama ang kanilang mga kaibigan.

Ayon kay Luis, importante para sa kanilang dalawa ni Jessy ang pagpapahinga matapos ang ilang araw o buwan na pagtatrabaho kaya naman nagdesisyon silang magkaroon ng ganitong klaseng bakasyon kasama ang kanilang malalapit na kaibigan.

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

At dahil isa itong espesyal na bakasyon para sa kanilang mag-asawa, hindi lamang isang simpleng vineyard ang kanilang binisita.

Bukod sa exclusive na villa na mayroong pool, makikita din dito ang isang picnic area at restaurant. Hindi rin mawawala ang vineyard kaya naman talagang napakaraming activities ang maaaring gawin dito.

Mula rito ay matatanaw din ang napakagandang view ng dagat kaya naman binabalik-balikan din ito ng mga kilalang personalidad. Ayon nga kay Jessy, bumisita na rito ang sikat na vlogger na si Zeinab gayundin ang aktres na si Ivana Alawi.

Nagkaroon ng maikling tour ang mag-asawa sa napakalawak na vineyard dito kung saan makikita ang ilang tauhan na namimitas ng mga ubas. Ipinasilip din ni Luis ang restaurant kung saan makikita ang napaka-eleganteng disenyo at mga dekorasyon.

Photo credits: Luis Manzano | Youtube

Photo credits: Jessy Mendiola | Youtube

Syempre, talagang natuwa rin ang mag-asawa sa pagkaing inihain sa kanila. Dagdag pa sa napakagandang lugar at masasarap na pagkain, mapapansin din ang magandang serbisyo mula sa mga tauhan dito kaya naman masasabi na talagang nakapagrelax at pansamantalang nakapagpahinga ang host.

Dahil dito, hindi nakapagtataka nang sabihin ng host na talagang babalik sila rito. Bukod din sa tour ng vineyard, restaurant, at ng iba pang bahagi ng lugar, hindi rin mawawala ang mga kalokohan at tawanan sa vlog na ito.

Dahil sa nakakatuwang vlog na ito ni Luis, libo-libong fans at subscribers na ang nakapanuod ng vlog na ito. Marami din ang nagpahayag sa kani-kanilang mga komento kung gaano sila napapasaya at napapatawa ng host. Natuwa rin sila sa naipakitang vlog na ito matapos ang mahabang panahon mula noong huling nakapag-vlog ang host. Ayon nga sa isang netizen, nawala rin ang kaniyang stress dahil sa nakakatuwang vlog na ito.

error: Content is protected !!