Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola, Ibinahagi ang kanilang Nakakakilig na Pren-up Video na Kinunan sa Napakagandang Isla ng Amanpulo

Matapos ang apat na taong relasyon bilang magkasintahan, ay nauwi na nga sa engagement ang relasyon ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Nito lamang ngang ika-12 ng Disyembre, ay inanunsyo nga ng celebrity couple ang kanilang engagement.




Marami nga ang natuwa dahil sa wakas, ay tuluyan nang naisakatuparan ang kanilang planong lumagay sa tahimik. At matapos nga nito, ay agad nagtungo sa napakagandang isla ng Amanpulo sa Palawan ang mag-fiancee upang isagawa ang kanilang prenup photo shoot at video.

Photo credits: Jessy Mendiola | IG

Nito lamang ngang ika-24 ng Enero, araw ng Linggo, ay isinapubliko na ng celebrity couple ang kanilang prenup video na kinunan sa napakagandang isla sa Amanpulo. Sa tulong ng mahusay na wedding film maker na si Bob Nicolas, ay naisakatuparan ang isang napakaganda at nakakakilig na music video.

Photo credits: Jessy Mendiola | IG

Sa video masisilayan ang sweet at lovely couple na sina Luis at Jessy, na nag-eenjoy beach ng Amanpulo na makikita ang labis na pagmamahal sa isa’t isa. Lalo namang naghatid ng kilig ang dalawa,dahil sa napakagandang musika na “Baby I Love Your Way” na inawit ng British singer na si HRVY (Harvey Leigh Cantwell).

Photo credits: Jessy Mendiola | IG

Ang music video ay naglalaman ng 3 minuto, at sa maikling sandaling iyon, ay talaga nga namang saksi ang malaparaisong lugar ng Amanpulo sa kanilang kasweetan at pagmamahal sa isa’t isa.




Matatandaan naman na noong nakaraang buwan, ay ibinahagi na ng celebrity couple ang kanilang prenup photos shoot. At ito nga ay sinundan ng kanilang prenup video, na kung saan ay binubuo ng mahusay na team upang maisakatuparan ang pangarap na prenup video ng magfiancee.

Photo credits: Jessy Mendiola | IG

Sa pangunguna nga ng mahusay na videographers na sina Bob Nicolas, Albert Nicolas, at Fidel Galapia, photographers na sina Pat at Pauline Dy, ay talagang kahanga-hanga ang kinalabasan ng mga larawan at video para sa kanilang paghahanda sa pagpapakasal.

At siyempre, hindi rin mawawala ang glam team na nagpaganda at nag-ayos sa mag-fiancee, magmula sa kanilang hair and make up hanggang sa kanilang mga suot. Ito naman ay kinabibilangan ng stylists na si Patty Yap, Rex Atienza, at Jay Sarmiento, designers na sina Patricia Santos at Paulo Lazaro, hair and makeup artists na sina Antonio Papa, Peps Silvestre at Kussie Ho.

Photo credits: Jessy Mendiola | IG

Walang duda na sa pinagsamang kakayahan ng mga ito, ay talagang napakaganda ng resulta ng prenup photo at video ng celebrity couple, na sinamahan pa ng napakagandang tanawin na hatid ng mala-paraisong lugar ng Amanpulo.

error: Content is protected !!