Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na Sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Ibinunyag na On the Process na sana nila ng “Surrogacy” Ngunit Nalaman na Buntis na pala ang Aktres

Kasabay nang pag-anunsiyo ng engagement ng celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado noong nakaraang buwan ng Oktubre 8, ay siya ring pagbabalita ng dalawa sa madla na sila’y malapit na ring maging magulang sa kanilang panganay na anak.

Sa sunod-sunod na vlog na mapapanood sa Youtube channel ng aktres, ay inilahad ng mag-fiancee kung paano hiningi ni Dennis ang kamay ni Jen para pakasalan. Ngunit, ang mga nakaraang vlog ni Dennis at Jen ay nakatuon naman ang pansin sa surrogacy at pregnancy journey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Bagama’t, buntis na ngayon si Jen ay may inaasahan nang paparating na munting anghel, bago naman nila ito maisakatuparan ay hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan. Pag-amin ng dalawa sa kanilang vlog, ay nagplano silang sumubok ng surrogacy para lamang magkaanaak.

Ang surrogacy ay proseso kung saan isang surrogate mother ang magdadala sa sinapupunan ng magiging anak na mula naman sa “eggs” ng tunay na magulang o nais magkaroon ng anak.

Kwento nga nina Dennis at Jen, ay ito na talaga ang kanilang plano noong 2018 sa dahilang hindi pa raw handang muling magbuntis ang aktres.

“Nung 2018, ang plano namin ni Dennis ay mag-freeze lang ng eggs, ng specimen. Nung time na iyon, hindi pa talaga ako handa mag-carry ng baby,”pahayag ni Jen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Hindi naman maikakaila ang labis na pagmamahal ni Dennis kay Jen, at ang bagay na ito ay sinuportahan ng aktor. Una nga nilang sinubukan ang surrogacy sa Pilipinas ngunit nabigo sila. Kaya naman, sa pangalawang pagkakataon ay nagpasya na ang celebrity couple na gawin ang proseso sa ibang bansa, lalo na nga’t hindi pa legal sa Pilipinas ang surrogacy.

“Nag-isip-isip na kami. Meron kami mga kinausap na kaibigan at they suggested na since hindi pa naman talaga legal yung surrogacy sa Pilipinas, mas maganda gawin siya sa ibang bansa,”ayon kay Dennis.

Para nga muling subukan sa pangalawang pagkakataon ang surrogacy ay nagpasya na silang magtungo sa United States at doon gawin ang proseso. At ayon sa aktor, ay nangyari ito sa gitna ng pandemyang nararanasan ng marami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Bago naman nila gawin ang bagay na ito, ay tiniyak nina Jen at Dennis na pinag-isipan nilang mabuti at tama ang kanilang gagawin. Naunang lumipad patungong US si Dennis para sa fertilization process ng kanyang “sperm” sa isang fertility clinic sa Dallas, Texas. Pagkalipas ng limang araw, ay bumalik na ang aktor para naman sa taping ng kanyang teleserye sa GMA na “The Legal Wives”. At sa pagkakataong ito, ay si Jen naman ang umalis ng bansa patungong US para sa fertilization process.

Unang nagtungo si Jen sa Las Vegas, Nevada, at kung saan nga ay gumugol siya ng mahabang oras sa kanyang paghahanda mula sa pag-inom ng mga gamot na kinakailangan. Ngunit, hindi inaasahan ng dalawa na habang nasa gitna sila ng proseso, ay magkakaroon ng lockdown sa Manila dahilan nga para sundan ni Dennis si Jen sa US.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Matapos lamang nga ang isang linggo ay nagpasya na ang dalawa na lumipat sa Dallas para mas malapit sila sa fertility clinic. Nang makamit naman nila ang “perfect embryo”, at panahon naman para humanap ng surrogate mother na magdadala ng itlog sa sinapupunan nito.

Ngunit, habang nasa gitna proseso kung saan nga ay may nakita na silang surrogate bago sila bumalik sa Manila, ay hindi inaasahan nina Dennis at Jen na makakabuo sila sa natural na paraan. Bago nga ang schedule ng paglalagay ng embryo sana noong Oktubre, ay nalaman na ng celebrity couple na buntis na si Jen.

Ibinahagi rin ni Jen sa nasabing vlog na nalaman niyang buntis siya habang nasa taping ng kanyang bagong teleserye na “Love, Die, Repeat”. At ayon kay Jen, ay iba raw ang kanyang pakiramdam habang nasa taping, kaya naman nagpasya na siyang gumamit ng pregancy test kit para kumpirmahin ito. At dito nga, ay laking gulat ng aktres nang isang “positive result” ang lumabas.

Bagama’t, ayaw munang isapubliko nina Dennis at Jen ang magandang balita na ito, ay nagpasya na silang ipaalam sa executive producer at director ng teleserye dahil nga nagiging emosyunal si Jen, at mahirap para sa kanya na gawin ang kanyang karakter, at huwag sabihin ang kanyang sitwasyon. Nakuha naman ni Jen ang suporta ng kanyang mga katrabaho at naintindihan ang sitwasyon ng aktres.

At ngayon nga, ay masayang masaya ang celebrity couple dahil ang hinahangad nilang magkaroon ng sariling anak ay malapit nang mabigyang katuparan. Para sa dinadala ngayon ni Jen na tatlong buwan na sa kanyang sinapupunan, ang hangad nila pareho ni Dennis ay pagkalooban sila ng baby girl.

error: Content is protected !!