Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na Sina Isabel Oli at John Prats Nagbigay Pasilip sa Kanilang Magiging Dream Family Home na Malapit ng Matapos

Tunay namang lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng sarili nating tahanan, lalo na marahil ang mga mag-asawa, dahil tanging nais nga nila ay ang mabigyan ang kanilang mga anak ng isang maayos at kumportableng tahanan. Karamihan nga sa mag-asawa ay magkatuwang na kumakayod para matupad ang pangarap nilang tahanan para sa kanilang binuong pamilya, halimbawa na nga lamang nito ay ang celebrity couple na sina Isabel Oli at John Prats.

Nito nga lamang nakaraan ay masayang ipinasilip ng mag-asawang Isabel at John sa publiko ang kanilang dream family home na halos nasa 7-buwan na rin magmula ng pasimulan nila itong ipagawa.

Makikita sa short video clips na ibinahagi ni Isabel sa knyang Instagram account na ilang buwan na nga lamang ang bibilangin ay talaga namang malapit na ring matapos ang kanilang dream family home. Sa naturang maikling video rin nga na ito na ipinasilip ni Isabel ay masisilayan na sa magiging bagong tahanan na nilang ito ng kanyang pamilya ay mayroon nga swimming pool na halos nasa harapang bahagi lamang.

Kapansin-pansin rin ang kalakihan ng dream family home na ito ng mag-asawa at panigurado na magiging kumportable dito ang kanilang mga anak kapag sila nga ay dito na nanirahan.

“Building new adventures and memories soon!!!”, ani Isabel sa kanyang caption.

Tunay namang bakas ang excitement sa mukha ni Isabel habang ipinapaisilip niya ang kanilang magiging bagong bahay na on-going pa nga ang konstraksyon, dito kasi ay magsisimula muli silang mag-anak na bumuo ng mga bago at masasayang ala-ala.

Matatandaan na taong 2019 ng ibahagi ng mag-asawang Isabel at John sa publiko na sila ay magpapatayo na ng kanilang bagong tahanan para sa lumalaki nilang pamilya. Ipinakita nga ito ng mag-asawa sa pamamagitan ng kanilang YouTube vlog kung saan ay nagbigay sulyap sila sa lupang nabili nila na siya ngang pagtatayuan nila ng kanilang dream house.

Ang celebrity couple na sina Isabel Oli at John Prats ay ikinasal noong taong 2015, sa katunayan ngayong nalalapit na ika-16 ng buwan ng Mayo ay ipagdiriwang na nila ang kanilang ika-7 taong anibersaryo bilang mag-asawa.

Hindi naman maitatanggi na labis ang pagmamahal ng mag-asawa sa isa’t isa kaya naman talagang ang kanilang pagsasama ay mas lalong tumitibay pa habang tumatagal. Mas naging makulay at masaya rin ang kanilang pagsasama dahil sa kanilang tatlong mga anak, ito nga ay sina Lily Feather na 6-taong gulang na noong buwan ng Abril, Daniel Freedom na 3-taong gulang at ang bunsong anak nil anna si Lilia Forest na edad isang taong gulang.

error: Content is protected !!