Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na sina Ion Perez at Vice Ganda, Ipinasilip ang First Time at Masaya Nilang Bakasyon sa Boracay Kasama si Nanay Rosario

Sa gitna ng busy schedule ng It’s Showtime host na si Ion Perez at Unkabogable star na si Vice Ganda, ay naisip ng celebrity couple na sandaling iwan ang kanilang trabaho upang magkasamang magbakasyon at magkaroon ng quality time sa isa’t isa.

Credits:Vice Ganda | IG

At para sa kanilang masayang bakasyon ay magkasamang nagtungo sina Ion at Vice sa napakagandang isla ng Boracay. Nitong mga nakaraang araw, ay naging sunod-sunod ang pagpost ng dalawa sa social media ng mga larawan na kuha sa kanilang bakasyon sa Boracay.

Espesyal naman ang panandalian ngunit masayang bakasyon na ito nina Ion at Vice, dahil ito ang unang pagkakataon na magkasama silang nagtungo sa Boracay para makapagbakasyon at mag-enjoy.

Naunang ibinahagi ni Ion sa Instagram ang sweet photo nila ni Vice kung saan nga ay nilakipan niya ng caption na “Pers taym”. Ibig sabihin nga nito, ay unang pagkakataon na magkasama silang nagbakasyon sa Boracay.

Credits: Vice Ganda | Youtube

Tila naman hindi pa huli ang summer para mag-enjoy sa beach at lasapin ng dalawa ang isang masayang bakasyon sa isla ng Boracay. Dahil sa kabila nga ng rainy season, ay talagang makikita na hindi ito naging hadlang para sa kanilang quality time.

Sa isang maikling video na ibinahagi ni Ion sa Instagram, ay makikita ang tila paghahabulan nila ni Vice sa beach, kung saan nga ay nasa likuran niya si Vice na humahabol sa kanya. Sa masayang ngiti ng dalawa ay walang duda na talagang enjoy na enjoy sila sa kanilang bakasyon. Isang sweet na caption naman ang kalakip ng video na ito ni Ion na nagpakilig sa kanilang mga tagahanga.

Credits:Vice Ganda | IG

“Ano man ang maging panahon basta kaSAMA ka!”

Samantala, ang komedyanteng si Vice ay nagbahagi rin ng isa sa sweet moments nila na Ion sa Instagram kung saan kasama niya ang kanyang mahal na si Ion na nakasakay sa swing.

“Look, we are so beautiful. Normalize seeing a love story that’s different from yours,”caption naman ni Vice sa kanyang post.

Credits: Ion Perez | IG

Matatandaan na noong October 2019, nang unang kumpirmahin ni Vice ang kanyang relasyon kay Ion matapos ang kanyang performance sa “Magpasikat” sa It’s Showtime.

Sa kabila naman ng maraming humahadlang at tumataas ang kilay sa kanilang relasyon, ay hindi naman maitatanggi na mas lalong nagiging matatag ang kanilang pagsasama at mas lalo pa nilang pinapatunayan ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Sa isang panayam kay Vice ni Ogie Diaz, ay inamin ng komedyante na kakaibang kaligayahan ang kanyang nadarama ngayon sa relasyom nila ni Ion. At ganun na lamang nga ang kanyang pasasalamat dahil ipinagkaloob sa kanya ang isang tulad ni Ion na tunay at tapat kung magmahal.

“Ang saya ng puso ko. Masaya kami ni Ion. Masaya ako kay Ion. Masaya ako sa relationship namin and every day I say thank you to God. ‘Ang bait mo binigyan mo ako ng ganito.’ Paano kung wala ‘to?”

Credits: Vice Ganda | Youtube

Labis ring pinapahalagahan ni Vice si Ion dahil magmula umano nang dumating ito sa buhay niya, ay natutunan niyang maging kampante at naging kalmado ang kanyang buhay.

“Anong lungkot ko ngayon kung wala akong ganitong katuwang? Anong lungkot ko ngayon na walang hahagod ng likod ko kapag umiiyak ako? Gaano ka-miserable ang buhay ko kapag buryong na buryong ako tapos walang tititig sa akin para kumalma ako? Si Ion kasi hindi masalita pero kapag tumitingin siya akin tapos nakita ko na siya kumakalma na ako. Pinakalma niya ‘yung buhay ko.”

Pag-amin pa ni Vice, ay napakahalaga para sa kanya ng relasyon nila ni Ion kaya naman doble ang pag-iingat na ginagawa niya para hindi masira ang kanilang relasyon na puno ng pagmamahalan.

“This relationship is so valuable to me right now kaya iniingatan ko siya. As much as possible hangga’t kaya ko hindi ako papayag na magbukas ng pinto sa ano mang magdi-delikado sa amin hangga’t kaya ko. Kung makakaapekto ‘yan sa amin and wala namang kakwenta-kwenta ‘yan, hindi ko na papayagan.”

error: Content is protected !!