Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple Na Sina Edu Manzano At Cherry Pie Picache, Ipinasilip Ang Masaya Nilang Bakasyon Sa Beach Ng Palawan

Hindi naman na nakakagulat kung ang magkatrabahong aktor na sina Edu Manzano at aktres na si Cherry Pie Picache ay mahulog sa isa’t isa at magkaroon ng isang romantikong relasyon.

Photo credits: Edu Manzano| IG

Matatandaan na noong nakaraang taong 2021, buwan ng Nobyembre nang kumpirmahin ni Edu na sila nga ni Cherry Pie ay dating na hanggang sa mauwi nga sa seryoso at romantikong relasyon. Kamakailan rin lamang nang gulatin ng dalawa ang kanilang mga tagahanga matapos aminin na dati na silang nag-date noon. Ayon nga sa dalawa, ay tahimik lang sila noon, at halos dalawang dekada na rin ang nakalipas.

Photo credits: Edu Manzano| IG

“Tahimik lang kami no’n. It was almost a year,” ayon kay Edu.

“We were dating almost a year. Like mga two decades ago,” saad naman ni Cherry Pie. Biro pa nga ng aktres,“Hindi niya ako makalimutan.”

Kaya naman, bagama’t nagkahiwalay ang landas nina Edu at Cherry Pie, ay inamin naman ng dalawa na hindi talaga sila nawalay sa isa’t isa, at madalas ring magkita sa mga events. At dahil nga dito, ay naging madalas rin ang kanilang pag-uusap. Naghiwalay man nga ng landas ay nanatili naman ang kanilang magandang samahan bilang magkaibigan. Pag-amin pa nga ng dalawa, ay hindi umano nawala ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa.

Photo credits: Edu Manzano| IG

“We would always be talking sincerely. We knew that we still like each other,”pahayag ni Edu.

“We remained friends and we would always see each other. And every time we see each other there is tension, which is a good thing, and something different,” ayon naman kay Cherry Pie.

“Every time na magkikita kami, you’d think na, ‘Parang iba pa rin ‘yung tingin niya.’ Pero I’d always dismiss it, kasi nga, di ba, charmer siya, e.”

Photo credits: Edu Manzano| IG

Kaya naman, sa muli nilang pagsasama bilang magkatrabaho sa ABS-CBN primetime series na “Marry Me, Marry You”, ay hindi na nga nila pinalampas pa ang pagkakataon na para mas lalong mahalin ang isa’t isa. Ngayon nga, ay makikita kung gaano kasaya sa piling ng isa’t isa sina Edu at Cherry Pie. Sa katunayan nga nito, ay madalas silang makitang magkasama.

Photo credits: Edu Manzano| IG

Sa kabila nga ng abala nilang schedule sa kanilang trabaho ay hindi nila nakakalimutang maglaan ng oras para magkaroon ng masayang bonding.

Kamakailan lamang nga, ay makikita sa Instagram na ibinahagi ni Edu ang kanilang mga larawan na kuha sa kanilang masayang bakasyon sa beach ng Palawan. Makikita naman na kasama ng celebrity couple sa kanilang masayang bakasyon ang anak ni Cherry Pie na si Nio Tria.

Photo credits: Edu Manzano| IG

Sa mga larawan ay makikitang enjoy na enjoy ang tatlo sa ilalim ng sikat ng araw sa beach, lalo na nga’t masisilayan ang napakagandang tanawin sa isla ng Palawan.

“Heaven on earth!” caption ni Edu sa kanyang post na sinamahan pa ng hashtags #Palawan at #PlaceToBe.

error: Content is protected !!