Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple Na Sina Edu Manzano At Cherry Pie Picache, Enjoy Na Enjoy Sa Kanilang Bakasyon Sa Beach Sa Palawan

Sa kabila ng kanilang busy schedule sa kanilang trabaho, ay pansamantala munang nagpahinga ang celebrity couple na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache para mag-enjoy sa isang bakasyon.

Photo credits to the owner

At kapag bakasyon nga ang pag-uusapan, ay talaga namang napakasarap magtungo sa beach. Kaya naman, nagpasya ang celebrity couple na sa isang napakagandang beach sa Palawan nila gugulin ang kanilang bakasyon para mag-enjoy sa piling ng isa’t isa.

Photo credits to the owner

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Edu sa kanyang Instagram na nakasama nila sa kanilang beach getaway ang anak ni Cherry Pie na si Nio Tria. Kitang-kita nga sa mga larawan na talagang enjoy na enjoy sila sa beach. Bukod kasi sa napakagandang tanawin na hatid ng mala-paraiso sa gandang beach, ay napakasarap rin maligo sa dagat at magbabad sa ilalim ng sikat ng araw.

Photo credits to the owner

Napakasarap naman talagang magrelaks sa ilang lugar na maihahalintulad sa isang paraiso. Kaya naman, ang batikang aktor na si Edu ay napahanga sa ganda ng lugar. Ang caption nga ng kanyang post kalakip ang magagandang kuha ng larawan sa beach ay nilakipan ng “Heaven on earth” at sinamahan pa ng hashtags na #Palawan at #PlaceToBe.

Matatandaan na noong Nobyembre ng nakaraang taon nang lumabas ang balita tungkol sa relasyon nina Edu at Cherry Pie, matapos nga itong isapubliko ng aktor. Ngunit, mas ikinagulat ng publiko ang pag-amin ng celebrity couple na matagal na ang kanilang relasyon, at malapit na ngang mag-isang taon.

Photo credits to the owner

“Tahimik lang kami no’n. It was almost a year,” pagkumpirma ni Edu.

Kinumpirma naman ni Cherry Pie, na bago pa sila maging magkarelasyon ngayon ay nagkaroon umano sila ng relasyon dalawang dekada na ang nakakaraan.

“We were dating almost a year. Like mga two decades ago. Hindi niya ako makalimutan,”ayon kay Cherry Pie.

Pagbabahagi pa ng celebrity couple, sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay naging magkaibigan sila at nagkikita sa mga events. At pag-amin nga ng dalawa, sa tagal ng panahon na sila’y nawalay sa isa’t isa ay hindi naman nawala ang kanilang nararamdaman.

“We would always be talking sincerely. We knew that we still like each other,” saad ni Edu.

Photo credits to the owner

“We remained friends and we would always see each other. And every time we see each other there is tension, which is a good thing, and something different,”ayon naman kay Cherry Pie.

“Every time na magkikita kami, you’d think na, ‘Parang iba pa rin ‘yung tingin niya.’ Pero I’d always dismiss it, kasi nga, di ba, charmer siya, e,”dagdag pa ng aktres.

At nang magkasama nga sa ABS-CBN primetime series na “Marry Me, Marry You” ay hindi na nila pinakawalan pa ang isa’t isa.

Photo credits to the owner

Si Edu ay dating ikinasal sa aktres na si Vilma Santos, kung saan nagkaroon siya ng isang anak, si Luis Manzano. Matapos nilang maghiwalay ay ikinasal naman si Edu kay Maricel Soriano. Nagkaroon rin siya ng dalawang anak sa dating modelo na si Rina Samson.

Habang si Cherry Pie naman ay hiwalay na sa kanyang dating partner na si Gary Tria na ama ng kanyang anak na si Nio Tria.

error: Content is protected !!