Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, May Pasilip sa kanilang Bagong Tayong Dream House

Noon pa man ay hinahangaan na ng marami ang aktor na si Dingdong Dantes at ang kaniyang real-life partner na si Marian Rivera.

Ito ay dahil sa kanilang galing sa anumang proyekto na kanilang ginagawa. Lalo rin silang hinahangaan ng iba dahil sa kanilang napakagandang pamilya.

Photo credits: Dingdong Dantes | IG

Ngayon naman ay hindi na nakapagtataka na lalo pang dadami ang bibilib at ma-iinspire sa mag-asawang ito dahil sa isang pangarap na kanilang natupad kamakailan lamang.

Photo credits: Dingdong Dantes | IG

Sa ilang Instagram post ni Dingdong, makikita nga ang pinakabagong bahay ng kanilang pamilya. Ayon nga sa isang Instagram post, ibinahagi ni Dingdong na dalawang dekada rin ang kanilang hinintay bago pa man natapos ang dream house na ito kaya naman masasabi na talagang nagmula ito sa sipag at walang-kapagurang pagtatrabaho ng mag-asawa bilang mga modelo at aktor.

Photo credits: Dingdong Dantes | IG

Isa nga sa mga ipinasilip ng mag-asawa ay ang kanilang swimming pool. Napalilibutan ito ng wood panels na nakapagbibigay ng modernong itsura sa espasyong ito. Mula rito ay makikita rin ang isang cabana kung saan maaaring makapagpahinga ang kanilang buong mag-anak matapos ang buong araw na pag-eenjoy sa kanilang swimming pool.

Photo credits: Dingdong Dantes | IG

Makikita nga sa ilan pang litrato ng mag-asawa ang kanilang panganay na anak na si Zia at ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya na masayang nagtatampisaw sa kanilang pinakabagong swimming pool.

Photo credits: Dingdong Dantes | IG

Photo credits: Dingdong Dantes | IG

Mapapansin din mula sa ilan pang mga litrato na mayroong tatlong palapag ang bahay na ito. Gaya naman ng mga modernong tahanan ngayon, mayroon ding high ceiling ang bahay na ito.

Photo credits: Dingdong Dantes | IG

Napalilibutan din ng mga glass windows ang buong bahay kaya naman masasabi na talagang maaliwalas ang buong bahay para sa mag-asawa at sa kanilang mga anak. Totoo nga na ngayon pa lamang ay masasabi nang maganda ang bahay na ito. Lalo pang naging elegante ang mansyon dahil sa ilang art pieces na makikita sa iba’t ibang bahagi ng bahay na gawa ng mga kilalang artists sa bansa.

Mapapansin na talagang napakasaya at kuntento ang buong pamilya ni Dingdong at Marian sa kanilang pinakabagong tahanan na talagang kanilang pinaghirapan sa loob ng maraming taon.

Photo credits: Dingdong Dantes | IG

Sigurado din naman na marami silang mabubuo na masasayang alaala sa kanilang tahanan.

error: Content is protected !!