Connect with us

Uncategorized

Celebrity Couple Na Sina Dennis Trillo Ibinahagi na Malapit Na Rin sila Magka-Baby

Isang magandang balita ang hatid ng celebrity couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa kanilang mga tagahanga nito lamang gabi ng Biyernes, ika-29 ng Oktubre.

Isang mahalagang anunsiyo nga ang isinapubliko ng Kapuso actress sa kanyang Facebook account. Sa isang post ay ibinahagi ni Jen na may malaki silang pasabog ng kanyang boyfriend na si Dennis pagkatapos ng kanilang interview sa programang 24 Oras sa GMA Network. Inilahad rin ni Jen sa kanyang post, na sa ganap na 8:15 ng gabi ay malalaman na nga ng publiko ang buong kwento sa likod ng kanilang kaabang-abang na announcement.

“Wala ng sekreto. Lahat ikwekwento na namin. Pagkatapos ng 24 oras panuorin ang buong storya,” ayon sa caption ng aktres kalakip ang link ng video ng kanilang announcement na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Nasundan naman ito ng isa pang post, kung saan nga ay sinabi na ni Jen na sila ng kanyang long-time boyfriend na si Dennis ay engaged na at malapit na ring magkaroon ng kanilang sariling anak. Kalakip rin nito ang video ng ginawang paghahanda ni Dennis, kung paano siyang nag-propose kay Jen.

“The secret is out!Engaged na kami at I’m 3 months pregnant. Pasensya na bessies ngayon ko lang nasabi. Hinintay ko kasi yung 3rd month.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

Makikita nga sa 10 minutong video na puno ng kilig at pagmamahal na talagang pinaghandaan talaga ni Dennis ang espesyal na araw para hingin niya ang kamay ni Jen para pakasalan. Bago nga gawin ang proposal, ay inihanda na muna ni Dennis ang camera, at ang kanyang mga kailangan.

Wala namang kahit katiting na ideya si Jen sa kung anong mangyayari, dahil ang alam niya ay magso-shoot sila ni Dennis ng video para sa kanilang “future selves”. At matapos nga ang maemosyong mensahe na nagpaiyak kay Jen, ay ang pagluhod ni Dennis hawak ang singsing para isuot sa kamay ng nobya, at kasabay nito ang pagbukas ng pinto kung saan makikita ang napakagandang backdrop na mababasa ang mga katagang “Marry Me”. Agad namang ibinigay ni Jen ang kanyang matamis na “Yes” kay Dennis, na nasundan ng mahigpit na yakap at matamis na halik.

Sa nasabing video ay makikita na matapos ang maemosyong proposal, ay naroon rin ang kanilang pamilya para ipagdiwang ang mahalagang araw na ito ng celebrity couple para sa kanilang bagong journey.

Samantala, bago naman ilabas sa publiko ng celebrity couple ang kanilang proposal video, ay nagkaroon rin sila ng exclusive interview kay Nelson Canlas sa segment ng 24 Oras na Chika Minute. At dito nga ay inihayag ni Jennylyn at Dennis na engaged na sila at magkaka-baby narin. Ayon kay Dennis, ay simple ngunit intimate ang kanyang proposal kay Jen na naganap sa loob ng kanilang bahay dahil na rin sa safety reasons lalo na nga’t maselan raw ang pinagdadaanan ni Jen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

At nang tanungin nga si Jen, kung buntis nga ito, ay hindi na nagdalawang isip pa ang aktres na ihayag ang katotohanan. Ayon kay Jen, ay positive nga siya at tatlong buwan na ang kanyang dinadala sa kanyang sinapupunan. Sa ngayon, ay hangad ni Jen na sana raw ay baby girl ang ipagkaloob sa kanila ni Dennis, dahil may dalawa na silang lalaki sa kanilang pamilya.

“Sa tamang oras, sa tamang panahon, sa pagkakataon na ready ka na siguro, duon siya ibibigay sa’yo. May 2 boys na kami so sana, sana ibigay sa amin ang baby girl.”

Ang celebrity couple na sina Jen at Dennis ay nagdiwang ng kanilang ika-7 taong anibersaryo noong nakaraang buwan ng Enero.

error: Content is protected !!