Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na Sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, Ikinasal Na

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang celebrity couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez dahil matapos ang maraming taong pagiging magkasintahan, sa wakas nga ay naganap na ang kanilang pag-iisang dibdib at ngayon nga ay ganap na silang mag-asawa. Nito lamang ika-23 ng Oktubre, araw ng Sabado nang maganap ang sagradong kasal nina Carla at Tom sa simbahan sa Tagaytay.

Matapos nga surpresahin ang celebrity couple ang kanilang mga tagahanga noong nakaraang buwan ng Marso 2021 na sila’y engaged na sa isa’t isa, ngayong araw lamang nga ay ikinasal na sila.

Bagama’t, piling miyembro ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan lamang ang dumalo sa kanilang intimate wedding ceremony, ay agad paring kumalat sa social media ang ilang kuha ng larawan sa pag-iisang dibdib nina Carla at Tom. Makikita nga na puno ng kaligayan ang newly weds kung saan nga ay naging saksi sa kanilang matamis na pagmamahalan ang ilan sa kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, ang magagandang kuha ng larawan sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay binigyang katuparan ng photographer na si Pat Dy kasama ang kanyang team. At sa Instagram, ay agad na ibinahagi ni Pat Dy ang mga larawan nina Carla at Tom kung saan nga ay umagaw sa atensyon ng mga netizens.

Hindi naman maikakaila na talagang lumutang ang natatanging kagandahan ni Carla sa suot niyang white wedding dress habang naglalakad patungo sa altar ng simbahan bitbit ang bouquet ng white flowers. Makikita naman sa isang video na hinatid siya ng mga magulang na si Rey “PJ” Abellana at inang si Rea Reyes.

Ang maikasal sa gitna ng pandemya ay napakahirap, lalo na nga’t kasulugan ng marami ang isinaalang-alang. Kaya naman, bilang pagsunod sa ipinapatupad na safety protocols, ay makikita naman na nagkaroon ng social distancing at pagsuot ng facemasks habang nasa seremonya ang mga dumalo.

Makikita naman sa isang larawan na habang naghihintay si Tom sa altar kay Carla ay naging emosyal ang aktor at napaiyak sa labis na kaligayahan. Sa isa pang photo ay makikita silang nakaluhod habang ino-officiate ng pari ang misa. Ang newly weds ay talaga namang bagay sa isa’t isa, kung si Carla ay napakaganda sa suot niyang wedding gown na obra ni Monique Lhuillier, si Tom naman ay hindi nagpahuli at sadyang napakagwapo at napakakisig sa suot niyang suit na obra naman ni Francis Libirian.

Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naisakatuparan sa tulong ni Bishop-Emeritus ng Novaliches Most Rev. Teodoro C. Bacani Jr. Makikita naman na dumalo sa kanilang kasal ang aktor na si Rafael Rossel na parehong kaibigan nina Carla at Tom.

Hindi naman maikakaila na sa loob ng pitong taong pagsasama bilang magkasintahan, ay mas lalong pinatunayan nina Carla at Tom ang kanilang labis na pagmamahal sa isa’t isa.

error: Content is protected !!