Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple Na Sina Bea Alonzo at Domonic Roque, Naghatid Ng Kilig Sa Kanilang Fans sa Kanilang “Not My Hands Challenge”

Kabilang na rin sa mga celebrity couples sa showbiz na nagbibigay ng saya at kilig sa kanilang mga fans ang magkasintahan na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Magmula nga nang ilantad nila sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ay malaya na na sila’y iparamdam ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Makikita nga na madalas ibahagi nina Bea at Dominic sa kanilang mga social media accounts ang kanilang nag-uumapaw na kasweetan sa kanilang bonding moments at pati na rin sa kanilang mga bakasyon.

Hindi naman talaga maikakaila ang hatid na kilig ng magkasintahan lalo na nga’t makikita na talagang bagay na bagay sila sa isa’t isa.

Marami nga ang nakasubaybay sa masaya at puno ng kulay na buhay pag-ibig ngayon nina Bea at Dominic. Kaya naman, marami sa kanilang mga tagahanga ang kinilig matapos ibahagi ni Bea ang isangvlog na pinamagatang “Not My Hands Challenge” kung saan ay makikitang kasama niya sa kusina ng kanyang bahay ang kanyang nobyong si Dominic.

Photo credits: Bea Alonzo Vlog 

Hindi na lingid sa kaalaman ng maraming tagahanga ni Bea na mahilig siya sa pagluluto. At makikita nga sa mga nagdaang niyang video ang kanyang husay sa pagluluto. Ngunit, sa pagkakataong ito ay may nakakatuwang twist ang vlog ni Bea na talaga namang naghatid ng kilig sa kanyang mga fans.

Photo credits: Bea Alonzo Vlog 

Sa nasabing vlog kasi ay ihahanda nila ang mga ingredients at lulutin kung saan ay hindi nila gagamitin ang kanilang sariling kamay sa halip ay kamay ng kanilang kapareha ang magsisilbi nilang kamay. At para sa kanilang pagluluto ay sinubukan nilang maghanda ng isang French toast.

Photo credits: Bea Alonzo Vlog 

Mapapansin naman ang hirap ni Dominic sa paggalaw at magsilbing kamay ni Bea habang nasa likuran ng aktres. Pag-amin nga ni Dominic ay nahihirapan siya kumpara kay Bea dahil assistant lamang siya sa kusina at hindi nagluluto. At naging sunod-sunod nga ang reklamo ni Dominic habang nagsisilbing kamay ni Bea.

Photo credits: Bea Alonzo Vlog 

Nang si Bea naman ang naging kamay ni Dominic habang nasa likuran ng aktor ay naging madali na lamang ang kanyang paggalaw dahil alam naman na ng aktres ang kanyang ginagawa. Napuno naman ng tawanan ang kanilang vlog dahil sa malikot nilang kilos habang ginagawa ang challenge.

Photo credits: Bea Alonzo Vlog 

Photo credits: Bea Alonzo Vlog 

Bagama’t, medyo nahirapan sa umpisa ay makikita namang enjoy na enjoy ang magkasintahan sa kanilang ginawang challenge.

Photo credits: Bea Alonzo Vlog 

Sa kanilang nag-uumapaw na kasweetan habang nakayakap sa lirukan ng bawat isa sa habang ginagawa ang challenge ay talaga namang naghatid ng labis na kasiyahan at kilig sa kanilang mga fans.

error: Content is protected !!