Connect with us

Entertainment

Celebrity Couple na si Sam Milby at Catriona Gray, Panandaliang Tumakas sa Kanilang Busy Schedule Upang Mag Camping Trip sa Calamba Laguna

Kamakailan lang ay nagbahagi ng isang larawan sa kanyang instagram account si Miss Universe 2018 Catriona Gray kasama ang boyfriend nito na si Sam Milby ng mga larawan nila sa kanilang naging masayang camping trip sa Calamba Laguna.

Nagpahinga ang celebrity couple mula sa kanilang super hectic schedule at panandalian na nagpahinga at nagbakasyon sa isa sa mga napakagandang camping site sa Calamba, Laguna.

Makikita din sa mga larawan nila na nila Sam Milby at Catriona Gray ang kanilang mga alagang aso na sila Theo at Bailey.

Sa ibinahaging post ni Catriona makikita ang kanilang ginawang camping setup sa gitna ng isang malawak na lupain na napapalibutan ng mga bundok at puno. Ang kanyang post na ito ay may kalakip na caption na,

“Went camping. Although pretty sure the puppies thought it was a vacation for them.”

Makikita sa kani-kanilang mga instagram account ang kanilang mga naging masasayang bakasyon sa ibat-ibang bansa nitong mga nakaraang buwan. Naging open ang dalawa sa kanilang relationship na ibahagi sa publiko ang kanilang mga masasaya at sweet bonding moments bilang couple.

Nitong nakaraang mayo lang ay kinilig ang kanilang mga followers sa mga larawan nila noong nagbakasyon sila sa Canada, makikita dito ang kanilang mga sweet pictures habang ineenjoy ang kanilang bakasyon na dalawa.

Matatandaan din na Mayo din noon ng unang isapubliko ni Sam at Catriona ang kanilang relasyon matapos ang halos isang taon na puro usap-usapan lang ang kumakalat sa social media patungkol sa kanilang patagong relasyon.

Sa ngayon ay masaya ang dalawa sa kanilang relasyon at eneenjoy lang ang mga pagkakataon at ang mga sandali na sila ay magkasama.

error: Content is protected !!