Connect with us

Entertainment

Celebrity Baby na si Scarlet Snow Belo, Ibinahagi ang Ambisyon niyang Maging Pangulo ng Bansang Pilipinas

Published

on

Sino nga ba ang hindi hahanga sa ka-cutan ng anak ng mag-asawang Dr. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo. Talaga nga namang nakakaaliw pagmasdan ang batang ito sa kanyang napakaganda at maamong mukha. Ngunit, hindi lamang ito ang magandang katangian ni Scarlet, dahil napakabibo at napakatalino rin nito.




Sa murang edad nga ay tila alam na rin nito ang mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Nakakatuwang isipin na ang batang limang taong gulang na gaya ni Scarlet ay makikitaan na ng pagmamahal sa bayan.

Kamakailan nga, ay isiniwalat ng celebrity baby na si Scarlet Snow Belo ang pagnanais niyang maging pangulo ng bansang Pilipinas pagdating ng tamang panahon. At kagaya ng ilang politiko na malaki rin ang pagmamahal sa lupang Sinilangan, nangako rin si Scarlet na gagawin ang lahat upang maging maayos ang kanyang pamamalakad na kung saan ay gagawin niyang maayos ang mundo para sa mga mamamayan.

Ito nga ang ambisyong ibinahagi ni Scarlet sa kanyang Instagram kung saan nilakipan niya ang post ng kanyang larawang nakatanaw sa malayo na tila malalim ang iniisip. Samantalang ang mukha niya naman ay nakataas ng bahagya. At nilakipan niya nga ito ng caption na:

“When I become President I promise I will make this world better for other people.”

Samantala, ang ina naman niyang si Dra. Vicki Belo ay proud na proud na kanyang anak, at sinuportahan nga nito ang ambisyon ng anak at sinabi:

“I know you will be the best and most nationalistic president ever.”

Bilang isa ngang celebrity baby, naging bukas na ang buhay ni Scarlet sa publiko. Kaya naman marami na siyang mga tagahanga na laging updated sa mga kaganapan sa buhay niya. At ang kahanga-hangang ambisyon nga ni Scarlet sa kanyang paglaki ay hinangaan ng kanyang mga tagahanga na kung saan ay tiwala sa kanyang kakayahan na balang-araw ay matutupad ito.




“You can be, with your smart and intelligence, you can be the youngest president in the world”

“Yes baby girl, one day, and when you will be President you’ll be a good one.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo) on

Tiyak naman na ang ambisyong ito ni Scarlet ay matutupad pagdating ng panahon dahil ngayon pa lang, kahit nasa murang edad ay kanya nang ipinapamalas ang pagmamahal sa bayan. At ngayon pa lang, ay may mga nagawa na siya para sa bansa dahil noong 4 na taong gulang pa lamang siya ay itinalaga na siyang Philippines’ tourism ambassador.

Talaga nga namang kahanga-hanga ang angking katalinuhan at kabibuhan ni Scarlet na sa murang edad ay iniisip na agad ang kapakanan ng bansa at mga mamamayan.

error: Content is protected !!