Connect with us

Entertainment

Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso, Pinakilig ang mga Tagahanga sa “Behind the scenes” ng Kanilang Sweet Photos na Mula sa “First Yaya”

Isa sa talagang inaabangan ng mga manonood gabi-gabi sa telebisyon pagsapit ng alas-otso sa GMA Telebabad ay ang “First Yaya” na pinagbibidahan ni Sanya Lopez at leading man nito na si Gabby Concepcion. Ngunit, hindi lamang sina Yaya Melody at President Glenn Acosta, ang naghahatid ng kilig sa mga manonood, dahil maging sina Nina at Jonas,ay nagpapakilig rin.

Ang aso’t pusa sa teleserye na sina Nina at Jonas ay ginagampanan nina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso. Bagama’t, madalas nga mag-asaran sa teleserye, ay hindi naman maikakaila ang closeness at magandang chemistry ng dalawa, na talaga namang bagay sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)

At sa likod pala ng kanilang aso’t pusang karakter sa First Yaya, ay kabaligtaran naman nito sa tunay na buhay, kung saan ay malapit pala sila sa isa’t isa. Bago matapos ang buwan ng Abril, ay sumalang na sa ika-apat na lock in taping ang mga cast ng teleserye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)

Dahil nga madalas magkasama, ay naging malapit na ang mga batang Kapuso star na sina Cassy at Joaquin. At kamakailan nga, ay kitang-kita ang kanilang closeness at magandang chemistry sa behind the scenes ng mga larawan na ibinahagi nila pareho sa kani-kanilang Instragram account. Maliban nga sa kanilang sweet photos, ay kapansin-pansin naman ang caption sa kanilang mga post, kung saan pinagtugma ang caption ng bawat isa upang makabuo ng “We finish each other’s sandwiches.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by CASSY LEGASPI (@cassy)

Dahil makikita, ang masayang ngiti ng dalawa sa larawan na tila ba kinikilig sa presensya ng bawat isa, ay umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens. At maging ang mga kapwa artista sa showbiz, ay hindi rin napigilang kiligin sa kanilang sweet photos. Ang co-cast nga nina Cassy at Joaquin mula sa First Yaya, ay nagbigay rin ng kanilang reaksyon.

Agad ring napansin ng ina ni Cassy na si Carmina Villaroel ang sweet photos ng anak kasama si Joaquin, at nag-iwan rin ng komento.

Biro nga nito,“Nasaan ang mga PSG????”

Si Cassy Legaspi ay anak ng celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Si Cassy ay may kakambal na kapatid na lalaki na si Mavy, na isa ring artista ng Kapuso Network.

Samantalang si Joaquin Domagoso, ay pangatlong anak ni of llMayor Isko Moreno sa kanyang asawang si Dynee Ditan Domagoso. Si Joaquin ay 19 taong gulang na isinilang noong Oktubre 2001.

error: Content is protected !!