Connect with us

Entertainment

Carmina Villaroel, Ipinasilip Kung Paano niya Linisin ang Kanilang Pantry, Nagbigay din ng Tips Kung Paano ito Mapanatiling Organisado

Ang aktres at celebrity mom na si Carmina Villaroel ay isa sa hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz at talagang namamayagpag ang karera ngayon. Maliban nga sa pagiging mahusay na aktres, ay isa ring butihin at mapagmahal na asawa’t ina sa kanyang pamilya si Carmina.

Kahit nga abala sa kanyang trabaho bilang aktres, ay hindi nagkukulang si Carmina na gampanan ang kanyang tungkulin sa loob ng kanilang tahanan. Maliban naman sa pagiging actress at TV host, ay pinasok na rin ni Carmina ang mundo ng vlogging at may sarili na rin siyang YouTube Channel na ngayon ay may mahigit 400K subscribers na.

Sa kanyang mga vlog ay madalas ibahagi ni Carmina ang mga nakakaaliw at kapaki-pakinabang na content para na rin kapulutan ng aral ng kanyang mga subscribers. At para sa kanyang latest vlog, ay ibinahagi ni Carmina ang kanyang maayos, malinis at organisadong pantry sa loob ng kanilang bahay. Ayon sa aktres, ay ito ang most requested content ng kanyang vlog na nais mapanood ng kanyang mga tagahanga.

Kasabay naman ng pantry tour ni Carmina, ay hindi naman niya nakalimutan ang magbigay ng tips kung paano makamit ang isang maayos, malinis at organisadong pantry. Sa unang tip nga, ay sinabi ni Carmina na mahalagang alisin muna ang lahat ng storage boxes at stocks sa pantry area. Ayon pa sa aktres, ay mas mapapadali ang pag-aayos o paglilinis ng pantry kung magsisimula sa top shelf kung saan nakalagay ang mga lunch box, disposable utensils at table napkins.

“The first thing that we’re going to do [ay] kailangan tanggalin muna natin lahat para malaman natin kung ano ‘yung mga tatanggalin natin from the pantry,” saad ni Carmina.

Kapansin-pansin naman na maliban sa mga storage boxes na makikita sa loob ng pantry ay may makikita ring kitchen trolley at iba pang extrang lagayan ng pagkain. Ayon naman kay Carmina, dahil maliit ang kanilang pantry sa loob ng kanilang bahay ay kinakailangan pa nila ng extrang lagayan para paglagyan ng iba pa nilang stocks.

Photo credits: Carmina Villaroel-Legaspi | IG

Photo credits: Carmina Villaroel-Legaspi | IG

Dagdag naman sa tips ni Carmina, ay mahalaga na magkaroon ng hagdan o ladder upang magsilbing tuntungan para madaling maabot ang mga kinakailangang stock na nakalagay sa top shelves. Ibinahagi naman ni Carmina na karamihan sa ginagamit niyang storage boxes sa pantry area, ay hindi niya binili kundi regalo lamang sa kanya. Ayon nga sa celebrity mom, ay mas nakakatipid siya dahil hindi na niya kailangan pang bumili para may magamit.

“Kapag may nagreregalo sa ‘yong food baskets or anything tapos maganda yung basket, I don’t throw it away. So ginagamit ko ‘to pang-organize ng stock,” kwento pa niya.

“Ideally, mas maganda sana na pare-pareho ‘yung mga baskets ninyo para mas neat, mas organize, mas maganda…malinis kumbaga tingnan. But ito kasi parang na-accumulate ko na lang siya through the years. Sayang naman kung itatapon ko and I don’t want to buy another set para lang maging uniform sila. So, ‘yung ano lang ang meron ako ‘yun na lang ang aking gagamitin,” dagdag pa niya.

Makikita naman talaga sa pantry area ni Carmina na maayos, malinis, at talagang nakaorganized depende sa kani-kanilang klase at gamit. Ang mga laman ng pantry ay talagang magkakasama sa bawat storage box gaya na lamang ng oatmeals, baking ingredients, canned goods, condiments, wines, at kanyang paboritong snacks.

error: Content is protected !!