Connect with us

Entertainment

Carmina Villaroel, Ipinasilip ang kanyang Makukulay na Designer Bag Collection

Matapos magustuhan ng mga tagahanga ng aktres at TV host na si Carmina Villaroel ang kanyang vlog patungkol sa top 10 favorite bags, ay nagpasya ang aktres na ipasilip na rin ang kanyang makukulay na designer bag collection.

Sa vlog na ibinahagi ni Carmina sa kanyang Youtube Channel nitong Marso 20, 2021, ay ibinahagi niya ang mga makukulay na bag, na kanyang nakolekta magmula nang sumabak siya sa showbiz.
Ayon naman sa aktres, ang kanyang mga bag ay may iba’t ibang kwento na mahalaga sa buhay niya. Sa paglipas naman ng panahon, ay dumami ng dumami ang bag ni Carmina. Ngunit, ayon sa kanya bago niya bilhin ang isang bag, ay pag-iisipan niya itong mabuti.

Itinuturing naman ni Carmina na investment ang kanyang mga bag, dahil pagdating ng panahon ay maaari niya itong ibenta o kaya naman ay ipamana sa kanyang babaeng anak na si Cassie.

Samantala, ibinahagi naman ni Carmina na sa likod ng kanyang mga makukukay na bag, nakatago ang bawat kwento kung kung bakit at kung paano niya ito nabili.

Ilan nga sa mga makukulay na mamahaling bag ni Carmina ay Louis Vuitton trunk beauty case, Chanel handbag, Hermès handbag bamboo, pink Chanel jumbo flap, white, yellow and blue Hermès Birkin, Hermes Lindy orange at marami pang iba.

Unang ipinakita ni Carmina ang isang Louis Vuitton trunk beauty case na kanyang ginagamit noon. Ito nga ang kauna-unahang nabili ni Carmina na mas matanda pa sa kanyang kambal na anak.

Ang isang channel hand bag naman ay napakacute tingnan. Ito nga ay matagal na rin niyang nabili na mas matanda pa sa kanyang mga anak. Espesyal naman ang isang white Hermes Birkin para kay Carmina dahil ang bag na ito ay surprise gift sa kanya ng kanyang asawang si Zoren Legaspi.

Ayon naman kay Carmina, ay mga binibili niyang bag, ay talagang gustong-gusto niya kung saan ay kanyang magagamit sa iba’t ibang okasyon o magagamit kahit saan siya magpunta. Binigyang diin nga ni Carmina, na ang hanap niyang bag ay sakto sa kanyang pangangailangan.

Masaya naman si Carmina na dahil nabili niya ang mga bag na nais niya at pasok sa kanyang panlasa na maaari niyang magamit anumang oras at kahit saan man siya magpunta.

error: Content is protected !!