Connect with us

Entertainment

Carmina Villaroel, Inilihim Pala ang Nakaraan nila ni Rustom Padilla sa Kambal nilang Anak ni Zoren Legaspi

Published

on

Sabi nga nila “walang lihim ang hindi nabubunyag”, dahil darating at darating talaga ang pagkakataon na ang lihim na pinakatatago ay malalaman rin.

Ganito nga ang nangyari sa aktres na si Carmina Villaroel, dahil inilihim pala niya sa kambal nilang anak ni Zoren Legaspi ang kanyang naging nakaraan at naging ugnayan kay Rustom Padilla, na ngayon nga ay kilala na bilang si BB Gandanghari.



Matatandaan na ikinasal noon si Carmina sa dating aktor na si Rustom Padilala, ngunit hindi pala ito alam ng mga anak ni Carmina at nais nilang sabihin pagdating ng tamang panahon. Ito nga ang ibinahagi ni Carmina sa isang panayam.

“We wanted to tell them sa tamang paraan at sa tamang panahon,” ani pa ni Zoren tungkol dito.

“Tama si Zoren, gusto naming nasa tamang edad naman na sila. Just to avoid confusion habang lumalaki sila. Ngayon kasi, sa age nila ngayon, they can understand na ang lahat nang sasabihin namin sa kanila.Kaya tamang timing lang na nangyayari na ang lahat ng ito sa amin. Parang sign from God na kailangan sabihin na namin sa mga bata. It’s best nga naman na maging open na ako sa mga anak namin—tungkol sa nakaraan ko kesa sa ibang tao pa nila malaman, di ba?,” pahayag naman ni Carmina na sinang-ayunan ang sinabi ng asawa kung saan ay naghihintay ng tamang pagkakataon upang masabi na sa mga anak ang tinatagong lihim.

Ngunit, hindi lang pala ito ang nagawang itago ng mag-asawa sa kambal, dahil ang alam ng kanilang mga anak ay kasal na sila. Matatandaan na kamakailan lamang ikinasal sina Carmina at Zoren, isang surprise wedding.

“Sa pagkakaalam kasi ng kambal, kasal na kami ni Mina sa isa’t isa… Tinago talaga namin hanggang hindi pa nangyayari ang matagal ko nang pangako kay Mina.
“Ayaw din naman naming ma-confuse ang kambal kaya hindi muna namin sinasabi.
“Gusto ko rin kasi na kay Mina manggagaling ang lahat ng kuwento. Siya na ang magbigay ng buong detalye sa mga bata,”mahabang pahayag ni Zoren.

Samantala, kamakailan lamang ay may inihayag si BB Gandanghari, kaya naman, naging mainit na usap-usapan sa social media ang tungkol sa naging nakaraan nina Carmina at Rustom. Kaya marami ang nagtatanong kung ano kaya ang naging reaksiyon ng kambal sa usaping ito.

Ang hindi nga alam ni Carmina ay matagal na palang alam ng kambal ang tungkol sa nakaraan nila ni Rustom, at siya pa ang nagulat nang sabihin ito ng kambal. Kaya naman, naging magaan na kay Carmina ang pagsasabi sa kambal dahil casual lamang at naging maganda ang pagkakatanggap ng mga ito sa katotohanan na kanilang inilihim.



“Ako pa ang na-shock! “Noong sinabi ko nga na ang mommy nila ay married na before, sinagot ako ng, ‘Yeah, we know!’ So, nasabi ko, ‘Talaga? You both know?’ Sagot nila, ‘Yeah, you were married to BB!’
“Kaya natawa ako. Kasi parang casual lang sa kanila talaga. Noong tanungin ko kung paano nila nalaman, sagot nila, ‘We watch The Buzz. They always talk about you, tatay, and BB!,”natatawang salaysay ni Carmina.

Dahil nga, maayos namang natanggap ng mga anak ni Carmina ang lihim ay tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Ang matagal na nga niyang inililihim sa mga ito ay naibunyag na at hindi nila inaasahan na magiging ganito ka-casual ang reaksiyon ng kambal.

“Kaya para akong nabunutan na ng tinik sa dibdib, dahil alam na pala nila…
“Pero wala akong narinig na pagtatanong sa kanila regarding that. Ngayon ako naniniwala na maganda ang pagpapalaki namin ni Zoren sa kambal. Iba kasi ang reaction na ini-expect ko. Ini-expect ko na may iiyak, may parang magagalit. Hindi… Yung parang casual lang. Parang okey lang talaga sa kanila,” pagbabahagi pa ni Carmina, na makikita ang saya sa bawat pahayag.

error: Content is protected !!